top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagbubukas ng klase kung gustong baguhin dahil sa COVID-19, amiyendahan ang batas — Palasyo

  • Mylene Alfonso​
  • May 18, 2020
  • 1 min read

Iginiit ng Malacañang na kailangan amiyendahan ang batas hinggil sa pagbubukas ng klase ng Department of Education sakaling mataas pa rin ang banta ng Coronavirus Disease 2019.

Ito ay sa gitna nang pangamba ng mga magulang sa kanilang mga anak na mahawa hangga't wala pa ring gamot at bakuna laban sa COVID-19.

"Well kasi po may batas, ang batas po ay nagsasabi na kinakailangan magbukas ang mga eskuwelahan na ang pinaka-late na po d'yan ay iyong last week of August," sabi ni Roque sa virtual press briefing.

"Kaya nga po ang DepEd ay magbubukas sa beinte kuwatro. Pero siyempre po, kung mataas pa rin ang banta sa ating mga kabataan, siguro kinakailangan amiyendahan ng Kongreso iyong batas na iyan," wika ni Roque.

Itinakda naman ng DepEd ang panahon ng enrollment simula sa susunod na buwan.

Matatandaang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang resolusyon ng DepEd na simulan ang pagbubukas ng klase sa August 24, 2020.

Batay sa Republic Act No. 7977 ang umpisa ng school year ay nakatakda ng buwan ng Hunyo ngunit pinapayagan na ito ay ilipat sa huling araw ng Agosto.

Nabatid na hindi kailangan na physical present ang mga guro at estudyante sa mga eskuwelahan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Isinusulong naman ng ahensiya na ipatupad ang online learning sa ibang mga lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page