top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mocha Uson humarap sa NBI: Na-post na 'fake news', honest mistake

  • Mylene Alfonso
  • May 18, 2020
  • 1 min read

Photo by: GMA News Online

Iginiit ni Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator Mocha Uson na honest mistake ang nai-post niya sa social media hinggil sa personal protective equipment na binili umano ng Department of Health ngunit, ito ay donasyon pala ng isang pribadong kumpanya.

"Nagkamali lang, honest mistake 'yung sa photo," ani Uson makaraang lumutang sa National Bureau of Investigation-Cybercrime Unit, bandang alas-10:00 ng umaga.

Ipinaliwanag ni Uson na ang kanyang intensiyon lamang ay iparating sa publiko na hindi pinababayaan ng pamahalaan ang mga health workers at frontliners sa krisi ng COVID-19. Sinabi ni Uson na nai-share niya sa social media ang good news at may nagamit umano siyang larawan na mula sa isang mainstream media ngunit nagkamali rin umano ang naturang print media sa paggamit ng larawan.

Aminado si Uson na nagkamali rin siya sa paggamit ng naturang litrato kaya agad siyang humingi ng tawad.

Hindi umano nangangahulugan na kahit opisyal siya ng gobyerno at kaalyado ng administrasyon ay hindi na siya haharap sa imbestigasyon at tutugon sa subpoean ng NBI.

Sa panig naman ni NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo na nagsumite si Uson ng ilang mga larawan at sequence of events na may kinalaman sa naturang reklamo at ang mga ito ay isasalang na para sa evaluation.

Matatandaang noong Abril, nag-post si Uson ng delivery ng may 15,000 set ng PPEs na binili umano ng DOH.

Gayunman, ang photo na kanyang ginamit sa larawan ay nadiskubre na mula sa SM Foundation. Humingi si Uson ng paumanhin noong sumunod na araw dahil sa "misleading content".

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page