top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga balik-trabaho, 'di obligado sa COVID-19 testing — DOLE

  • Madel Moratillo​
  • May 18, 2020
  • 1 min read

Hindi kailangang sumailalim sa mandatory covid-19 test ng mga empleyado bago makabalik sa trabaho.

Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng pagbabalik sa trabaho ng ilang empleyado ngayong araw sa mga lugar na nasa modified ECQ at general community quarantine.

Paliwanag ni Bello, ang kailangan lamang isailalim sa test ay mga empleyadong makikitaan ng sintomas ng covid-19.

Ayon kay Bello, may inilabas ng guidelines ang Department of Labor and Employment at Department of Trade and Industry na dapat sundin sa lugar ng paggawa o workplace ng mga manggagawang balik-trabaho na sa kabila ng nagpapatuloy na banta ng covid-19.

Paalala ni Bello sa mga employer sumunod sa pinaiiral na minimum health standards para maiwasan ang pagkalat ng covid-19.

Pinayuhan din ni Bello ang mga employer na maglaan ng shuttle service para sa kanilang mga empleyado lalo na at bawal pa ang mass transportation sa mga lugar na nasa MECQ habang sa

GCQ naman bagamat pinapayagan ay limitado lamang.

Hindi naman aniya obligado ang mga kumpanya na maglaan ng shuttle service, ito ay upang matiyak lang na makakapasok ang kanilang mga empleyado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page