top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga bagong kaso ng COVID-19, mula sa mga residenteng nag-shopping, exercise at socialize

  • Madel Moratillo​
  • May 18, 2020
  • 1 min read

Karamihan ng mga bagong kaso ng covid-19 sa New York ay mula sa mga residente na lumabas ng bahay para mamili, mag-ehersisyo o makipag-socialize.

Ayon kay New York Governor Andrew Cuomo, mas maraming bilang ng mga nagpopositibo sa virus ay hindi mula sa hanay ng mga essential workers kundi mula sa mga hindi nagtatrabaho o iyong mga nasa bahay lamang.

Batay na rin umano ito sa ginawang contact tracing nitong mga nakalipas na linggo.

Ayon kay Cuomo, 5 sa 10 rehiyon na ang pinayagan nilang makapagbukas muli ng negosyo. Babala ng gobernador ang pagtaas ng economic activity ay magdudulot din ng pagtaas ng mga kaso ng virus infection depende sa magiging "personal behavior" ng mga residente.

Samantala, batay sa datos, bumaba na ang mga bilang ng bagong kaso ng virus sa New York, kung saan mula sa 2,762 new covid cases noong Biyernes ay 2,419 na lamang ang naitala nitong Sabado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page