Kelot tinadtad ng taga, todas
Capiz—Isang lalaki ang tinatadtad ng taga hanggang sa mapatay ng hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Sta. Rita, Dumalag.
Ang biktimang nagtamo ng 31 tama ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Michael Foyunan, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa mga saksi, binato umano ng suspek ang bahay ni Foyunan at nang lumabas ang biktima ay bigla na itong pinagtataga ng salarin.
Matapos ang pananaga ay mabilis na tumakas ang suspek.
Kasalukuyan nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at inaalam na rin ang motibo sa krimen.





Comments