2 miyembro ng NPA, nasakote
Sultan kudarat—Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang naaresto ng tropa ng pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Hinalaan, Kalamansig.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Mew Makil alyas Ka Sam at Martin Dayao alyas Ka Teng, kapwa miyembro ng NPA na nakabase sa nasabing lalawigan
Nabatid na may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad sa kinaroroonan nina Makil at Dayao kaya agad nagresponde ang tropa ng pamahalaan at dinakip ang dalawang rebelde.
Kusa namang sumama at hindi na nanlaban sa mga awtoridad ang dalawang suspek.
Nakapiit na sina Makil at Dayao na kapwa nahaharap ngayon sa iba’t ibang uri ng kaso.





Comments