top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Titser na nag-post ng P50-M pabuya sa makapapatay kay P-Duterte, arestado

  • Mylene Alfonso​
  • May 12, 2020
  • 1 min read

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 25-anyos na guro makaraang mag-post sa Twitter na magbibigay siya ng P50 milyong pabuya sa sinumang makapapatay umano kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, nadakip sa Pangasinan ang guro na si Ronne Mas ng Taltal National High School sa Zambales.

Nabatid na itinuturo ng guro ang subject na social studies.

"I will give P50-M reward kung sino makakapatay kay Duterte" nakasaad sa post ng guro na agad naman nitong binura ngunit na-screenshot na ng mga netizens.

Samantala, nais naman nitong magtungo sa Malacañang upang personal na manghingi ng sorry kay Pangulong Duterte.

Aminado ang guro na gusto niyang sumikat kaya siya nag-post sa Twitter na magbibigay siya ng P50-M reward sa sinumang makakapatay sa Presidente.

Inamin din nito na wala siyang P50 milyon. Kinuha aniya ang ideya na ito sa P50 milyon na pabuya naman ng Pangulo sa sinumang makakadiskubre ng bakuna laban sa COVID-19.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page