top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pondo, paubos na... Ayuda para sa OFWs, stop muna — DOLE

  • Madel Moratillo​
  • May 12, 2020
  • 1 min read

Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na suspendido muna ang pamamahagi nila ng ayuda para sa mga oversease Filipino workers (OFWs) na apektado ng COVID-19.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, halos paubos na kasi ang pondo sa kanilang Akap program.

Sa ilalim ng programang ito, nagkakaloob ang DOLE ng 10 libong piso o 200 US dollars sa mga OFW na naapektuhan ng COVID-19.

Sinabi ni Bello na ang suspensiyon ay hanggat hindi pa dumarating ang hiling nilang karagdagang pondo para sa Akap program.

Matatandaang una nang humirit ang DOLE ng karagdagang 2 bilyong piso para sa nasabing programa.

Naabisuhan na rin aniya ang mga tanggapan ng POLO sa iba't ibang bansa hinggil sa suspensiyon ng programa.

Tinatayang aabot umano sa 140 libong OFWs ang nabigyan ng ayuda sa ilalim ng nasabing programa.

Habang nasa 300 libong OFWs pa umano ang nangangailangan ng tulong.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page