Maipakulong kaya ng Kongreso ang mga “bata” ni P-Duterte sa NTC? Abangan!
- Pabs Hernandez III
- May 12, 2020
- 2 min read
TINGNAN NATIN KUNG KAYANG IPAKULONG NG KONGRESO ANG MGA “BATA” NI P-DUTERTE SA NTC—Binigyan ng 72-oras ng Kongreso si National Telecommunications Commission (NTC) Comm. Gamaliel Cordoba at tatlo pang NTC officials upang makapagpaliwanag kung bakit hindi sila dapat ma-contempt sa ginawa nilang pagpapa-shutdown sa ABS-CBN kahit pa nangako sila sa mga mambabatas na hindi nila ito ipapasara kapag napaso na ang prangkisa.
Ayos, contempt na ang usapan, tingnan nga natin kung kayang ipaaresto at ipakulong ng grupo ni Speaker Alan Peter Cayetano ang apat na “bata” ni P-Duterte sa NTC, abangan!
◘◘◘
MOCHA AT MANAGER NIYA, PAREHONG DDS KAYA PAREHONG “ABOVE THE LAW”?—Matapos lumabag ni Mocha Uson sa batas sa ilalim ng enhanced community quarantine nang magsagawa ng mass gathering sa mga OFW na kina-quarantine sa isang resort sa Batangas, ang manager naman nitong si Byron Cristobal aka Banat By ay sumuway sa polisiyang “stay at home” nang magtungo ito sa ABS-CBN para ipabatid kay Coco Martin na hinahamon niya ito ng away.
May kaso bang isinampa ang PNP at NBI sa mag-among ito? Wala! Palibhasa, “above the law” sila dahil pareho silang DDS, pwe!
◘◘◘
DDS NA NAGHAMON NG AWAY KAY COCO, BAKA PINAGTATAWANAN NA NG MGA KAPWA NIYA DDS—Kung inaakala ni Cristobal na marami siyang napabilib sa paandar niyang paglusob sa ABS-CBN para hamunin ng away si Coco na kritiko na ngayon ng gobyerno at sa mga DDS na natuwa sa pagka-shutdown ng ABS-CBN, nagkakamali siya dahil sa ginawa niya ay lumabas siyang katawa-tawa sa publiko.
Alam ni Cristobal na wala si Coco sa ABS-CBN dahil bukod sa lockdown ay shutdown pa ang network, tapos sa Kapamilya network siya nagtungo para hamunin ng away ang aktor.
Malamang, hindi lang “dilawan” ang natatawa sa paandar niya, kundi pati mga kapwa niya DDS, ha-ha-ha!





Comments