top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

5 milyon pang pamilya, pasok sa SAP

  • Mylene Alfonso
  • May 12, 2020
  • 1 min read

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na dagdagan ng limang milyong pamilya ang mga benepisaryo ng emergency subsidy ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang nadagdag na mga pamilya ay isasama sa unang tranche ng social amelioration program ng gobyerno.

"Sa ngayon po, ang ating inuubos muna ay iyong sa first tranche at mayroon na po tayong 92.30 na nabigyan na noong first tranche; pangalawa po, bibigyan pa natin ng ayuda iyong natitirang limang milyones na sabi ni Presidente dapat mabigyan dahil hindi napasama doon sa unang listahan ng eighteen million at saka siyempre po, iyong ayuda na ibibigay natin doon sa mga areas na nananatili sa ECQ," paliwanag ni Roque.

Gayunman, ang mabibigyan lamang sa ikalawang bugso ng SAP aid ay ang mga mahihirap na pamilyang nakatira sa mga lugar na nakasailalim sa enhanced community quarantine dahil limitado na ang pondo.

Una nang target ng pamahalaan na mabigyan ng P5,000 hanggang P8,000 cash aid ang 18 milyong low-income families sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

Noong May 10 ang deadline para sa mga lokal na sa SAP distribution pero nilinaw ng pamahalaan na hindi nangangahulugan na ihihinto na ang pamimigay ng ayuda sa mga lugar na 'di nakaabot sa deadline.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page