top of page

2 months nang dedma sa BF na nanghingi ng space, magkakabalikan din dahil compatible ang birthday at

  • Maestro Honorio Ong
  • May 12, 2020
  • 2 min read

Dear Maestro,

May boyfriend ako ngayon at bago siya dumating sa buhay ko, matagal akong walang boyfriend, kaya ang saya-saya ko noong dumating siya. Kaya lang, hindi ako malambing at bihira ko siyang i-text dahil iniisip ko na baka masanay siya, hanggang isang araw ay humihingi siya ng “space”. Dalawang buwan na kaming hindi nagkikita, mapapatawad niya kaya ako at magkakabalikan pa kami? Naiiyak ako sa tuwing maiisip ko ang isa’t kalahating taon naming pinagsamahan.

December 4, 1995 ang birthday ko habang December 14, 1994 naman ang boyfriend ko.

Umaasa,

Irish ng Liciada, Bustos, Bulacan

Dear Irish,

Pansining kapwa kayo nagtataglay ng zodiac sign na Sagittarius, habang ang destiny number mo namang 4 ay siya ring destiny number ng boyfriend mo.

Ito ay dahil ang birthday mong December 4, 1995 ay kinokompyut ng ganito: 12+4+1995=2011/ 20+11=31/ 3+1=4. Habang ang birthday naman na December 14, 1994 ng boyfriend mo ay kinukumpyut ng ganito: 12+14+1994=2020/ 20+20=40/ 4+0=4.

Ibig sabihin, hindi lang kayo sa Western Astrology tugma o compatible, sa halip, may pagka-tugma at may pagka-compatible rin kayo sa Numerology.

Sa madaling salita, ayon sa iyong mga datos, partikular sa birth date mong 4 at sa destiny number mong 4 na siya ring destiny number ng boyfriend mo, kung kapwa kayo mahilig sa black, pink, blue red, at green, tiyak ang magaganap ngayong 2020 (na nagkataong ang 2020 ay 20+20=22/ 2+2-4 na siya ring kapwa destiny number ninyo). Pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), magkakabalikan na kayo upang muling pagsaluhan ang matamis at masarap na pag-ibig, na malaki ang tsansa na sa taon ding ito o sa susunod taon ay tuluyan na ring kayong magpapakasal at bubuo ng maligaya at pang habambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page