top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 16, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 16, 2021 (Miyerkules): Malawak ang sarili mong mundo. Ito rin ay nagsasabing hindi ka mauubusan ng magagandang kapalaran sa buong taon.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ngayon ang mga aral na iyong natutunan mula sa kabiguan ng mga kakilala mo. Ito ang susi ng iyong kapalaran nang hindi ka matulad sa kanila na nasira ang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-27-30-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil mula sa malayo ay magdaratingan ang mga suwerte mo. Sa una, parang ayaw mo pang tanggapin, ngunit sa huli, sobrang sasaya ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-16-19-20-21-23.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo na kailangang magpaliwanag sa mga kaibigan mo dahil palagi naman silang nasa panig mo. Gayunman, lalong hindi ka dapat magpaliwanag sa mga hindi naman makauunawa sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-22-26-30-34-37.


CANCER (June 21-July 22) - Malakas ka ngayon tulad ng akala mo sa iyong sarili. Subukan mong gawin ang gusto mo at makikita mo na ang mga hadlang ay iyong malalagpasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-24-25-36-39-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tumulong ka ngayon sa mga nasa malayo. Gawin mo dahil matutuwa ang langit at reregaluhan ka ng malalaking suwerte na hindi mo lubos maisip na para pala sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-22-25-38-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nabibigo ang humihinto, kaya bakit ka titigil sa pangangarap mo? Mangarap ka at sundan mo ang iyong pangarap at makatitiyak ka na mapasasaiyo ang mga ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-21-27-30-33-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pahinga ang kailangan mo ngayon, hindi lamang sa katawan kundi maging sa isipan. Pagkatapos ng pamamahinga, mananariwa ang iyong lakas at magagawa mo ang mga imposible. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-16-22-26-37-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi naman masama ang manghiram, kaya humiram ka ng lakas ng loob sa iyong matalik na kaibigan. Pahihiramin ka ng sobra sa kailangan mo para makuha mo ang gusto mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-24-27-34-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magpatalo sa mga problema dahil hindi ka isinilang para maging talunan. Lumaban ka at ikaw ang mananalo dahil ang panalo ay nakaguhit na sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-20-21-29-30-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Layuan mo agad ang mabibilis magsalita dahil huli na bago mo maisip na ikaw ay nadaya. Ang isa pang maganda ay umiwas ka sa hindi mo naman gaanong kakilala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-24-26-33-35-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sukatin mo na ang kakayahan ng nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Hindi maganda kung muli kang masasaktan dahil hindi mo kinilala nang husto ang isang tao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-28-30-32-37-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Napakalakas ngayon ng iyong kutob. Dahil dito, mabilis mong malalaman ang tunay na pagkatao ng kakausap sa iyo. Magpasalamat ka sa nasa itaas dahil binigyan ka ng malakas na kutob. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-21-24-38-40-42.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 12, 2021


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 13, 2021 (Linggo): Huwag kang mapamahiin. Ang lahat ay nilikha ayon sa wangis ng Dakilang Manlilikha. Hindi ka malas at nilikha kang may magandang kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong maging sentimental. Ang nakaraan ay nakaraan na at mas maganda ang buhay na nakatingin sa hinaharap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-21-39-40-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kislap nang kislap ang ilaw sa parol. Ganundin ang iyong kapalaran, magpapakita ng mga suwerte at ang mga suwerte para sa iyo ay parang hindi matapos-tapos. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-29-31-36-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang hihinto. Hangga’t maganda pa ang takbo ng pinagkakakitaan mo, magtuluy-tuloy ka lang. Hindi dapat sinasayang ang magagandang araw na nagdaratingan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-17-24-33-35.

CANCER (June 21-July 22) - Dagdag-kaalaman ang kailangan mo dahil habang lumalago ang negosyo, dapat kumukuha ka pa rin ng mga bagong istilo at sistema nang sa gayun ay mas umunlad pa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-17-29-37-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang ilagay sa isip, makaaapekto sa katawan. Ang nakagugulat pa ay may epekto rin ito sa takbo ng kapalaran. Mabuhay ka nang may positibong pananaw at huwag maging negatibo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-21-25-34-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gumagalaw ang mga kamay ng orasan nang hindi pabalik. Bakit ka mabubuhay sa nakaraan? Dapat bawat kilos mo ay may kaugnayan sa iyong paghahanda sa kinabukasan. Tulad ng kamay ng orasan, umusad ka nang umusad patungo sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-20-25-38-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Alisin mo ang iyong hindi magandang kilos kapag hindi mo nagustuhan ang isang bagay. Mas maganda na ang mga ibinigay sa iyo, anuman ito ay tanggapin mo nang maluwag sa loob. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-27-35-43-46.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pag-aralan mo kung kailan ang pagdating at paglisan ng mga pangyayari sa iyong buhay. Ito ang susi sa tagumpay at panlaban sa kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-22-25-34-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mamahinga ka kapag mahina ang benta. Hindi naman ibig sabihin ay hindi na muling lalakas ang negosyo. Simpleng nagsasabi ito na ipanatag mo ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-19-22-25-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakagugulat ang iyong kapalaran dahil akala ng marami ay bagsak ka na at hindi na makakabangon pa. Pero mahimalang sa huli ay makikitang angat na angat ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-28-30-40-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang kilos ng iyong kapalaran. Parang hindi ka makakahabol dahil iba ang iyong inaatupag. Tutukan mo ang iyong sariling buhay na nakatuon sa iyong pagpapayaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-20-27-35-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dagdagan mo pa ang kilos mo nang sa gayun ay mas maraming suwerte ang iyong makuha. Hindi sapat na porke may nakuhang suwerte ang tao ay masaya na siya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-24-39-41.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 30, 2021


Dear Maestro,


Ang problema ko ay tungkol sa aking boyfriend. Bigla niya akong iniwan nang malaman niyang buntis ako. Nanganak na ako noong Enero, pero ngayon ay ako lang ang nag-aalaga at nagtataguyod ng aming baby. Anim na buwan pa lang ‘yung baby sa tiyan ko nang magpaalam siyang kukuha ng pera sa kanilang probinsiya para sa panganganak ko, pero hanggang naisilang at nabinyagan na ang bata ay hindi pa rin siya bumabalik.


Babalik pa ba ang ama ng anak ko at ano na ang nangyari sa kanya? November 4, 1990 ang birthday ko at July 7, 1988 naman ang birthday ng ama ng anak ko.


Umaasa,

Ms. Scorpio ng Bagbag, Novaliches, Quezon City

Dear Ms. Scorpio,


Ayon sa birth date mong 4 sa destiny number na 7 (11+4+1990=2005/ 20+05=25/ 2+5=7) at sa zodiac sign mong Scorpio, sadyang compatible kayo ng boyfriend mong bigla na lamang naglaho. Ito ay dahil ang zodiac sign niyang Cancer, ganundin sa birth date niyang 7 at destiny number na 4 (7+7+1988=20021/ 20+02=22/ 2+2=4) ay suwetong-suweto kayong dalawa.


Nangyari, dahil ang Scorpio at Cancer ay may iisang elemento na tinataglay at ito ay ang elementong water o tubig, kaya naman tugma at compatible talaga kayo.


Habang kapansin-pansin ding ang birth date mong 4 ay siya namang destiny number na 4 ng boyfriend mo, habang ang birth date naman na 7 ng boyfriend no ay siya namang destiny number mo. Ibig sabihin, swak na swak at sapol talaga kayong magsama at nakatakdang makabuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.


Ibig sabihin, malaki pa ang pag-asang muling bumalik ang ama ng anak mo at ito ay posibleng mangyari at maganap sa taon ding ito ng 2021 o 2022, sa mga piling buwan ng Mayo o Oktubre.


Tulad ng nasabi, umasa kang kakatok muli sa inyong pintuan ang naglaho mong boyfriend upang minsan pa, muling mabuo at tuluyan nang magiging panghabambuhay ang sisimulan at itutuloy n’yong mas masaya at maligayang pamilya habambuhay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page