top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga tanders o senior citizens, papayagan nang lumabas ng IATF pero may kondisyon!

  • Imee R. Marcos
  • May 11, 2020
  • 2 min read

Walang pinipiling edad ang COVID-19, kesehodang matanda ka na o bagets pa. Depende talaga ‘yan sa resistensiya ng tao. Nagiging vulnerable lang ang tanders kung may iba pa itong sakit na iniinda tapos dadapuan pa ng COVID-19.

Kaya nga ako, eh, hindi bilib mga friendship sa unang utos na i-“house arrest” na lang daw tayong mga senior citizens. ‘Wag daw tayong palabasin ng bahay dahil sey ng isang health expert tayo mga tanders ang mas madaling kapitan ng virus.

Aba, eh, siyempre, mega-kontra ang lola n’yo. Iba yata ang sitwasyon ng mga masoshonda sa ‘Pinas kesa sa ibang bansa.

Mismong datos ng Department of Health na isinapubliko on-line ng UP ang nagsabi mga frennie na mas kaunti ang mga mashonda sa ‘Pinas ang tinamaan ng virus, kumpara sa mga bata. O, ‘di ba?

Lumitaw sa naturang DOH data na sa 4 top group na may maraming COVID-cases ang mula 21 hanggang 30; 31 hanggang 40; 41 hanggang 50; at 51 hanggang 60 years old. Habang 5th at 6th rank lang ang mga senior citizen na mula 61 hanggang 70, 71 hanggang 80 years old at take note, bihira o kakaunti lang daw ang tinamaan ng virus na edad 81. Anong sey ng mga lolo at lola riyan?!

Mga besh, ibig sabihin, malalakas ang mga seniors sa ‘Pinas. Kaya buti naman, ‘yung protocol ng Inter-Agency Task Force, eh, nagkaroon ng pagbabago at sinabi na puwede naman lumabas ang mga senior kung bibili ng kanyang pagkain at gamot lalo na kung walang gagawa nito para sa kanila.

Tapos ‘yung mga working na seniors ay papayagan na ring lumabas. Kaya sana sa mga gumagawa ng policy lalo na sa quarantine na ‘yan, eh, palaging basehan ang datos at huwag pabigla-bigla sa mga aksiyon. We understand your concern, though.

Sabi nga, hindi ba, kalabaw lang ang tumatanda at isa pa age is just a state of mind!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page