Benepisyaryo ng DSWD, tiklo sa shabu
Quezon—Isang benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Ibabang-Iyam, Lucena City.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na si Fernando Herrera, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, may nagbigay ng impormasyon sa pulisya na nagbebenta ng shabu si Herrera kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation sa nasabing lugar at dito inaresto ang suspek.
Nabatid na si Herrera ay kabilang sa mga benepisyaryo ng SAP (Social Amelioration Program) ng DSWD.
Nakakumpiska ang pulisya ng sampung sachets ng shabu kay Herrera at nakapiit na ito matapos sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments