top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

Pinagmulan at founder ng Mother’s Day, alamin!

  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • May 10, 2020
  • 2 min read

Ipinagdiriwang natin ngayon ang espesyal na araw para sa mga ilaw ng tahanan, ang Mother’s Day kung saan ipinararamdam natin ang ating lubos na pagmamahal sa ating mga nanay sa iba’t ibang paraan.

Dati-rati ay may pabulaklak pa tayo, chocolates o kung anu-ano pang materyal na bagay na iniaabot natin sa kanila bilang representasyon ng ating pasasalamat at pagmamahal. At ngayong may lumalaganap na pandemyang COVID-19, tiyak na lalong lalabas ang ating creativity para mabati nang simple pero makahulugan ang mga mahal nating nanay.

Samantala, anu-ano ba ang mga bagay sa likod ng Mother’s Day, ang history nito at iba pang katotohanan tungkol dito?

1. Nagsimula ang Mother's Day nang mag-organize si Anna Jarvis, founder of Mother's Day, ng memorial para sa kanyang aktibistang ina na tumulong at nag-alaga sa mga sugatang sundalo noong panahon ng American Civil War na si Ann Jarvis. Ayon sa National Archives, si U.S President Woodrow Wilson ang nagdeklarang ipagdiwang ang Mother’s Day tuwing ikalawang Sunday noong 1914.

2. Kung may tinaguriang “Founder of Mother’s Day,” may tinatawag ding “Father of Mother’s Day” na walang iba kundi ang American former football player and coach na si Frank E. Hering.

Ang international fraternal organization na Fraternal Order of Eagles ang nag-recognize kay Frank bilang “Father of Mother’s Day” noong 1904 dahil sa proposal niyang maglaan ng isang araw kada taon para sa nationwide na paggunita sa mga ina.

3. Taong 1870 nang unang i-propose ng isang makata na si Julia Ward Howe ang Mother’s Day sa pamamagitan ng katagang "The Battle Hymn of the Republic." Ayon sa manunulat na si Brette Sember, matapos ang Civil War noon ay iminungkahi ni Julia na magproklama ng Mother’s Day bilang tanda ng kapayapaan.

4. Ayon sa Pew Research Center, naitatala ang pinakamaraming bilang ng tumatawag through phones tuwing Mother’s Day.

5. Mother’s Day ang busiest day para sa mga restoran dahil sa dami ng bilang ng mga taong kumakain sa labas.

6. Isa sa panahon kung saan pinakamabenta ang mga bulaklak at ayon sa mga mananaliksik ng State University of New Jersey, nakakapag-improve ng emotional health ang bulaklak.

Now we know, mga ‘tol at kung curious kayo kung sino ang pinakabatang ina, ito ay walang iba kundi si Lina Medina na taga-Peru. Noong 1939, nang siya ay 5 years old, nagsilang siya ng sanggol na lalaki sa pamamagitan ng C-section.

Anyways, isang pagpupugay sa mga magigiting na ina!

Happy mother’s day from bulgar family!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page