top of page
Faith Da Silva at Sam Verzosa - IG.jpg

Wa’ budget sa pampabyuti? Try mo ‘to! Pag-e-exercise at madalas na pag-inom ng tubig, epektib na ski

  • Justine Daguno
  • May 9, 2020
  • 2 min read

Dahil mas safe at mas makakatulong sa sitwasyon natin ngayon ang pananatili sa bahay, kani-kanyang diskarte tayo para mapanatiling kapaki-pakinabang ang bawat araw na lumilipas.

Well, isa sa mga bagay na ‘yan ay ang pananatiling healthy at beauty kahit kulang na sa exposure sa araw ang ating balat.

Narito ang ilan sa mga bagay na dapat nating gawin kaugnay nito:

1. Iwasang magpuyat. Habang maraming time sa bahay, sikaping ayusin ang sleeping routine dahil ang sapat na tulog ay kinakailangan natin upang magkaroon ng malusog na pangangatawan at siyempre, healthy skin. Nasa 7-9 hrs. ang tulog na dapat ma-achieve ng bawat adult. Ayon sa pag-aaral, kapag hindi tayo nakakukuha ng sapat na tulog, ang katawan ay naglalabas ng maraming cortisol, ito ay stress hormone na maaaring maging sanhi ng acne o psoriasis.

2. Mag-work out. Idagdag ang pag-e-exercise sa listahan ng mga pagkaabalahan habang nasa bahay. Nakatutulong ito na maka-burn ng cortisone, isang paraan upang mabawasan ang stress at mapanatiling makinis ang ating balat. Pero tandaan na kailangan agad maligo pagkatapos ng mga activities para ma-“freshen up” ang balat.

3. Gumamit ng moisturizer. Huwag kalimutang i-moisturize ang balat kahit pa nasa bahay lang. Importante ito upang hindi mag-dry ang balat lalo na at sa pagkakataong ito ay kaunti lang ang exposure natin sa araw na kailangan para mapanatiling healthy ang skin. Pero kung hindi ninyo bet mag-apply ng moisturizing products, puwedeng gumamit ng humidifier sa favorite spot o sa parte ng bahay na madalas ninyong pagtambayan.

4. Palaging uminom ng tubig. Ito ang pinakasimple, pinakaepektib at pinakamurang paraan upang magkaroon ng healthy skin. Bumawi tayo sa mga pagkakataong hindi tayo makainom ng tubig sa office o sa trabaho dahil hassle magpabalik-balik sa restroom. Samantalahin natin ang pagkakatengga sa bahay para uminom ng 8 hanggang 12 baso o halos 2 liters ng tubig kada araw.

5. Mag-try ng natural skin care. Karamihan sa mga natural skin care na puwede nating subukan ay makikita lang sa loob ng ref o kusina. Puwedeng mag-search ng mga DIY facemask at facial moisturizer, body scrub at iba pa sa internet. Siguraduhin lang na iintindihing mabuti ang mga reviews at instructions para walang problema.

Gawin nating mas kapaki-pakinabang ang mga panahong nasa bahay lang tayo. Hindi naman siguro kalabisan kung aalagaan natin ang ating sarili sa kabila ng mga nangyayari ngayon. Totoo namang hindi madali ang kasalukuyang sitwasyon, pero hindi ibig sabihin nito ay magpapakalugmok na lang tayo.

Stay beautiful and healthy, mga ka-BULGAR!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page