Nasa ibang bansa, sign na dapat mag-abroad dahil ‘di aasenso sa ‘Pinas
- Socrates Magnus
- May 9, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Joanna Basit na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Napanaginipan kong nasa ibang bansa ako. Gayundin, may panaginip ako na bigla akong nawala at ang isa ko pang panaginip ay may karga akong dalawang bata.
Ano ang ibig sabihin ng mga ito?
Naghihintay,
Joanna
Sa iyo Joanna,
Sabi ng panaginip mo, mag-abroad ka dahil wala kang maaasahang pag-asenso rito sa atin, kumbaga, hindi mo matutupad ang mga pangarap mo kung hindi ka lalayo sa lupang iyong sinilangan.
Ang kahulugan ng panaginip mo na bigla kang nawala ay napapanaginipan ng tao na may gustong takasan. Dahil wala ka namang ibang sinabi kundi ang ikaw ay biglang nawala, hindi agad matutukoy kung ano ang gusto mong takasan. Puwedeng ito ay kahirapan ng buhay, pero puwede ring naghihirap ka sa sitwasyon iyong kinasadlakan.
Ang dalawang bata na karga mo ay nagbibigay ng garantiya na sa dako pa roon ng iyong buhay, ikaw ay magkakaroon ng magandang kapalaran.
Ang ibig sabihin ng “sa dako pa roon ng iyong buhay” ay tumutukoy sa iyong malapit na hinaharap kaya ito rin ay nagsasabing, lakasan mo ang loob mo dahil hindi na magtatagal ay makikita mo na ang katuparan ng iyong mga pangarap.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments