Misis na hiwalay sa asawa, makakatuluyan ang manliligaw dahil sa ikalawa at mas magandang Marriage L
- Maestro Honorio Ong
- May 9, 2020
- 2 min read

Katanungan
Ako ay hiwalay sa asawa at may dalawang anak, pero ngayon ay may nanliligaw sa akin na hiwalay din sa asawa. Natatakot at nag-aalinlangan ako na sagutin na siya dahil inaalala ko na baka maulit ang nangyari sa akin sa una kong asawa, na naging babaero at lasenggo kaya kami nagkahiwalay at ang masakit, madalas niya akong binubugbog kaya hindi na ako nakatiis at nilayasan ko na siya.
Sa palagay n’yo, Maestro, sa ikalawang pag-aasawa, may pag-asa pa kaya akong habambuhay na lumigaya?
Kasagutan
Kung pananaigin mo ang takot at lagi mong ilalagay sa iyong isipan ang mapait at malungkot na nakaraan, paano ka makaka-move at magkakaroon ng masayang buhay at pamilya, samantalang nauuna sa isipan mo ang negatibong mga bagay?
Sabihin na nating may dalawang anak ka, pero paano kapag nag-asawa na rin sila at nagkaroon ng sariling pamilya? Minsan, talagang kapag nagkaroon ng mapait na karanasan, nananatili ito sa ating alaala nang mahabang panahon at matagal mabura. Dahil dito, lagi nating iniisip na baka maulit na naman ang mapait na karanasang ito na nagdudulot sa atin ng pag-aalala para hindi na kumilos pa.
Mahalaga na marunong kang magbasa ng guhit ng palad upang matiyak mo kung mauulit pa o hindi na ang mapapait na karanasan ng tulad mo. Sa kaso mo, kapansin-pansing may malinaw at magandang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sigurado na ang magaganap, ang ikalawa at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) ang mananaig, may pangako ng maligaya at panghabambuhay ng pagpapamilya na kinumpirma ng Heart Line Drawing A. at B. h-h arrow c.) na nakatuntong sa Bundok ng Ligaya (arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay nagsasabing nabigo ka man at lumuha sa unang pag-aasawa, sigurado namang sa ikalawang pagkakataon, makararanas ka na ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
Dapat Gawin
Habang, ayon sa iyong mga datos, Aira, mananaig ang ikalawang mas magandang Marriage Line (arrow b.) sa iyong palad kaysa sa nauna (arrow a.). Tanda na sa ikalawang pag-aasawa na hatid ng kasalukuyan mong manliligaw, habambuhay ka nang liligaya na nakatakdang mangyari at maganap sa 2021 sa buwan ng Setyembre o Oktubre sa edad mong 39 pataas.




Comments