Metro Manila mayors, may 3 rekomendasyon sa pagtatapos ng ECQ sa May 15
- Gina Pleñago
- May 9, 2020
- 1 min read

Nagkasundo ang Metro Manila Council (MMC) na magrekomenda sa Inter-Agency Task Force (IATF) ng tatlong opsyon kaugnay ng nakatakdang pagtatapos ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Mayo 15.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia kabilang dito ang pagpapalawig pa ng ECQ ng karagdagang dalawang linggo pa.
Ang ikalawa naman nilang rekomendasyon ay ibaba na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Habang ang pangatlong opsyon naman na kanilang irerekomenda ay ang "modified" na pinagsamang ECQ at GCQ.
Sampu sa MMC ang pumabor na ilagay sa ECQ ang Metro Manila habang ang mga mayor ng Las Piñas City, Makati City, Quezon City, Manila at Malabon City ang pabor na ilagay sa GCQ ang Metro Manila.
Inihalimbawa ni Garcia na maaaring ilagay sa lockdown o ECQ ang partikular na barangay sa isang siyudad na may mataas na kaso ng COVID-19 habang naka-GCQ ang ibang may mababang COVID cases.
Tiniyak naman ni GM Garcia na handang sumunod ang mga Metro Mayors sa anuman ang magiging desisyon ng Inter Agency Task Force (IATF).





Comments