Nico, ‘di kamukha ang anak nila ni Solenn, ipapa-DNA test
- Erlinda Rapadas
- May 8, 2020
- 4 min read
Erlinda Rapadas / Teka Nga
Kiray, pati pamilya at BF, isinama sa TikTok ‘wag lang malaos
Dahil walang teyping ang mga shows sa telebisyon ngayong may pinaiiral na enhanced community quarantine, kani-kanyang diskarte ang mga artista upang may pagkaabalahan at makaiwas sa cabin fever (buryong) tulad ng comedienne na si Kiray Celis na naki-join na rin sa nauusong TikTok challenge ngayon.
Kasama ni Kiray ang kanyang buong pamilya, plus ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia. Game na game naman ang BF ni Kiray sa pagti-TikTok.
Kakaiba ang naisip na concept ni Kiray sa ginawa nilang TikTok challenge kasama ang kanyang BF, mga kapatid at maging ang kanyang tatay. 'Yung steps at music ay luma kumpara sa ibang TikTok challenge ng ilang celebrities at talagang nag-enjoy at kinarir ito ng pamilya ni Kiray.
May pagka-comedy ito at tiyak na marami ang maaaliw sa video ni Kiray na siyang nag-choreograph ng kanilang steps.
Madiskarte si Kiray kaya kahit na naka-lockdown, nakakaisip pa rin ng mga kapaki-pakinabang na bagay.
♥♥♥
Nico, ‘di kamukha ang anak nila ni Solenn, ipapa-DNA test

Marami ang nakapansin na mas hawig kay Solenn Heussaff ang baby nila ni Nico Bolzico na si Thylane. Kuhang-kuha nito ang features ng mukha ni Solenn especially ang hazel eyes nito kaya naman nagbiro si Nico na ipapa-DNA test niya ang kanilang anak dahil hindi raw niya kamukha.
But of course, joke lang ito ni Nico dahil mahal na mahal niya ang kanilang panganay na anak. Ngayon pa lang ay overprotective na si Nico kay Baby Thylane at ayaw niya na laging naka-post ang larawan ng anak sa social media.
Samantala, bentahe para kay Solenn ang enhanced community quarantine dahil may time siya na mag-workout at ibalik ang dati niyang sexy figure.
Medyo nadagdagan ng timbang si Solenn during her pregnancy kaya kinarir niya ngayon ang pagda-diet at pagwo-workout. May plano siyang magbalik-showbiz after the lockdown.
Hindi naman na type ni Solenn ng sexy character role kaya puwede siya kahit anong project ang ibigay sa kanya. Bihasa na rin siyang mag-host ng cooking show na Taste Buddies na napapanood sa GMA Network.
♥♥♥
Mavy, mas nakuha ang mga ugali ni Carmina kesa sa kakambal na si Cassy
Maganda ang naging impluwensiya ni Carmina Villaroel sa kanyang kambal na anak na sina Mavy at Cassy dahil lumaki ang mga ito na mababait, humble at marunong tumulong sa less fortunate.
Naalala ni Cassy na sa tuwing magbi-birthday ang kanilang Mommy Carmina ay may charity projects sila at nagpupunta sa mga orphanages at nagdadala ng mga food packs. Nakikipaglaro rin sila sa mga bata sa orphanage.
Hanggang sa lumalaki na sila, katulong sila ni Carmina sa pagpa-pack ng mga relief goods na ipinamimigay kapag may calamities tulad ngayong may COVID-19 pandemic na muli silang namigay sa mga nangangailangan.
Naging bahagi na ng buhay ng kambal na sina Mavy at Cassy ang pagtulong sa kapwa. Nakikita nila kung gaano ka-generous ang kanilang Mommy Carmina kaya sila man ay nagse-share rin ng blessings sa iba.
Hindi na mahiyain ngayon sina Mavy at Cassy. Pero mas nakuha raw ni Mavy ang mga ugali ng kanyang Momshie Carmina na malambing, malinis sa katawan, mapormang magbihis at mapagbigay (generous) sa kapwa.
Si Mavy ay male version ni Carmina at hindi naman isyu sa magkapatid kung sino ang mas malapit o paborito ng kanilang parents. Pantay lang ang treatment sa kanila.
♥♥♥
Willie, 2 house and lot ang ipamimigay sa anniv ng show
Sa halos dalawang buwan na lockdown at pagkakaroon ng ECQ (enhanced community quarantine) sa Luzon, hindi nagpapigil si Willie Revillame upang ituloy pa rin ang kanyang daily show na Wowowin.
Dahil walang audience sa studio ay sa resort niya sa Puerto Galera unang umere ang Tutok To Win ng Wowowin kung saan namimigay din siya ng cash prize sa mapapalad na mga viewers na kanilang matatawagan.
Ito ang tulong o ayuda ni Willie sa mga taong nawalan ng hanapbuhay at nangangailangan.
Ngayong May 11, magdiriwang ng anniversary ang Wowowin kaya tiyak na babaha ng malalaking cash prizes na ipamimigay.
May paalala si Willie sa mga viewers ng Tutok To Win kung papaano makasali para mabunot o matawagan.
Una, i-like, mag-follow at mag-subscribe sa official social media account ng Wowowin sa Facebook, YouTube at Twitter.
Pangalawa, sa pamamagitan ng PM (private message), ipadala sa Wowowin Facebook page ang inyong pangalan at contact number.
Pangatlo, tumutok sa Wowowin show sa TV o sa live streaming sa kanilang social media accounts saka hintayin ang tawag ni Willie.
Mag-ingat lang sa mga scammers na manloloko at nagpapanggap.
Samantala, special anniversary ang mapapanood sa Lunes kasabay ng selebrasyon ng Wowowin. Bukod sa cash prize, dalawang house and lot ang ipamimigay sa mga masusuwerteng viewers.
Handog ito ng Villar family na isa sa main sponsors ng Wowowin.
Mas masaya at mas bongga sana kung sa studio gaganapin ang anniversary at may mga studio audience. Pero dahil sa ECQ at sa COVID-19 pandemic, simpleng selebrasyon na lamang ang magaganap.
Darating kaya ang mga dating hosts ng Wowowin?
♥♥♥
Gustung-gusto nang magteyping ng cast ng sitcom na Pepito Manaloto. Medyo naiinip na rin sila sa matagal na pamamalagi sa bahay.
Nami-miss na nina Michael V., Manilyn Reynes, Jake Vargas, Nova Villa, Chariz Solomon, Jessa Zaragoza, John Feir, atbp. ang kanilang pagkukulitan sa set.
Nagtatawagan man sila at nagkukumustahan, iba pa rin kung babalik na silang muli sa Pepito Manaloto.
Lahat ay nagdarasal at umaasa na tuluyan nang mawala ang COVID-19 at makatuklas ng vaccine na panlaban dito.




Comments