top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung si Vice, cool na cool sa pagpapasara sa Dos... Coco, isinusuka ng fans sa sobrang sama ng bibig

  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • May 8, 2020
  • 3 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nakaka-touch ang naging resbak ni Vice Ganda sa mga bashers niya sa social media.

Kamakailan kasi ay mga sentiments niya sa pag-o-off-air ng ABS-CBN ang mga ipinost niya na nakatanggap ng sangkatutak na bashing. Mayroon pang mga nagsabing kasalanan ni Vice ang pagpapasara sa Kapamilya Network dahil sa minsang panghahamon nito sa diumano’y pastor na nagpakilalang “Appointed Son of God” na si Apollo Quiboloy.

Kung may ilang celebrities na naging maingay ang pangalan dahil sa pagpatol sa mga bashers kung saan may mga nagmura, idinaan sa pagkasanggano at may nagtawag pang “bruha” sa isang netizen, si Vice ay nanatiling kalmado kahit pa halos murahin na siya ng ibang nagkomento sa mga posts niya sa socmed.

Sa recent post ni Vice sa kanyang Instagram account, bumuhos ang papuri sa kanya dahil aniya, “Magulo ang paligid. Mainit ang panahon lalo’t nasira ang aircon. Pero ang dami kong natanggap na pagmamahal sa araw na 'to. Dinama at ninamnam ko lahat. 'Di ko na napansin ang gulo at init. At bukas magbibigay din ako ng maraming pagmamahal para maranasan din nila ang ginhawa.”

Kilala naman si Vice sa pagtulong niya sa kapwa lalo’t higit sa mga lubos na nangangailangan, dahilan kaya lalo siyang minahal ng kanyang mga fans at supporters.

Sey tuloy ng mga netizens… “‘Yan, sana ganito lang, mahinahon.. makinig, magmatyag, ‘wag nang dagdagan ng init ng ulo sa init ng panahon. Lahat ng bagay, may solusyon. Kapit at tiwala lang. Lilipas din ang lahat. Love and light.”

“Napakaganda sa matang basahin ang mga ganito ‘pag nag-o-open ka ng IG mo! ‘Pag iniidolo mo, pero ‘yung ibang iniidolo namin at pina-follow namin dito, ngayon ang sama ng bibig.”

“Ay, sa totoo lang, Vice, ‘di kita idol pero sa post mo, namangha ako. ‘Di tulad ng iba, lumabas ang masamang ugali, ‘yun, tinadtad ng masamang comment din. Ikaw, akala ko ganu’n ka rin mag-post. Cool si Vice.”

Samantala, isa si Coco Martin sa mga napabalitang nagbitaw ng maaanghang na salita sa kanyang social media posts. Tuloy, komento ng mga netizens sa naturang post ni Vice, “Can you tell Coco he’s breaking the heart of his fans. Hatred masyado ang mga posts niya.”

“Tama, Vice, pagmamahal lang. ‘Di tulad ni Coco Martin na puro masasama ang lumalabas sa bibig n’ya.”

Meron pang direktang binanggit si Coco sa post ni Vice at sey ng netizen, “@mr.cocomartin, gayahin natin ‘to. She is giving good vibes kahit na may problemang kinakaharap ang network n’yo. Be a blessing in times of trouble.”

♥♥♥

Angeline, nagbanta sa pagbabalik ng ABS-CBN sa ere

Ipinost ni Angeline Quinto sa kanyang Instagram account ang video clip kung saan makikitang umiiyak si Megastar Sharon Cuneta dahil sa pagsasara ng ABS-CBN Network.

Sey ni Sharon, “Oh, my god. My god. So many people are gonna lose their job. ABS-CBN staff, members, crew members, marshals. Nanay loves you, I’m thinking of you, you’re in my heart. Kung puwede lang mag-concert every week, iba-iba ‘yung staff para lahat may kita. Ako na magbabayad.”

Caption ni Angeline, “Sanay lang akong makita kang umiiyak sa mga pelikula mo, Ma. @reallysharoncuneta. Salamat po kasi iniisip mo lahat ng manggagawa.

“Miss na miss ko na lahat ng katrabaho at kaibigan ko sa istasyong ipinasara ninyo.

“Ibibigay po namin sa inyo ang araw at panahon ngayon, kapag panahon naman po namin ang dumating, kaming lahat ang magsasaya.

“Mabuhay ang lahat ng Kapamilya sa buong mundo. Nagkahiwa-hiwalay man ang miyembro ng PAMILYA namin, hintayin n’yo pong mabuo ulit kami.”

Samantala, komento naman ng netizen, “Sana po, iniyakan n’yo rin ‘yung mga nagreklamong maliliit na manggagawa na pinagkaitan ng karapatan at benepisyo. Sana, sa pagbabalik ng ABS-CBN, eh, patas na sa lahat. ‘Di naman po ipinasara, ‘di ba?”

‘Kaloka naman ang reply ni Angeline na, “Iniyakan. ‘Di lang na-video-han.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page