top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ECQ sa Metro Manila hanggang May 30 o June 15 — MMC

  • V. Reyes​
  • May 8, 2020
  • 1 min read

Pag-uusapan bukas ng Metro Manila Council (MMC) ang posibilidad na mapalawig muli ang enhanced community quarantine (ECQ) sa 17 lungsod at munisipalidad dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng MMC, magpupulong ang konseho at aalamin kung ang extension ay hanggang Mayo 30 o sa Hunyo 15 ng kasalukuyang taon.

"Ang aming initial na pinag-uusapan namin din isa lang ang magiging recommendation namin sa IATF regarding dito sa extension for another 15 days. Mas pabor sila na ma-extend for another 15 days kasi ongoing 'yung mass testing," pahayag ni Olivarez sa panayam sa Super Radyo DZBB.

"Kailangan ma-mass test lahat ng suspect, probable at health workers," dagdag ng alkalde.

Inaasahan namang isusumite ng MMC ang kanilang rekomendasyon sa Interagency-Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na maglalatag ng pinal na desisyon sa usapin.

Ayon kay Olivarez, nababahala ang karamihan sa mga local executive official sa magiging epekto ng maagang pagbawi ng mahigpit na quarantine protocols.

Hindi rin aniya pupuwede na magkakaiba ang quarantine protocols na iiral sa mga lungsod at munisipalidad sa National Capital Region (NCR).

"Kapag iba-iba 'yung ating quarantine policies, mahihirapan 'yung movement ng tao, 'yung pag-control," ani Olivarez.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page