Coco, todo-banat nu’ng una kay Sol. Gen. Calida, biglang-bawi at todo-sori ngayon
- Julie Bonifacio
- May 8, 2020
- 2 min read

Malaki talaga ang sama ng loob ni Coco Martin kay Solicitor General Jose Calida dahil ito ang itinuturong nagtulak para sa pagpapatupad ng Cease and Desist Order ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN matapos hindi ma-renew ang prangkisa ng network.
Sa latest post ni Coco, may mensahe siya para kay Sol. Gen. Calida.
Nakalagay ang mensahe sa ilalim ng poster ng Ang Probinsyano kung saan ang mukha ni Sol. Gen. ang makikita.
"ALAM KO PO NA MABUTI KAYONG TAO. KUNG ANO MAN PO ANG INYONG NAGAWA, MAARING TAWAG PO 'YON NG INYONG TUNGKULIN. GANO'N DIN PO KAMI. NAPAKASAKIT NA ISANG ARAW NA MALALAMAN MO NA WALA KA NANG TRABAHO AT SARADO NA ANG KUMPANYA NA PINAGKAKAUTANGAN MO NG LOOB!"
Humingi naman ng paumanhin si Coco kay Sol. Gen. Calida kung may nasabi raw siyang hindi maganda laban dito sa una niyang post sa Instagram.
"PASENSIYA NA PO KAYO KUNG MAY MGA NASABI PO KAMI NA GALIT SA AMING DIBDIB AT SANA MAUNAWAAN N'YO RIN PO 'YON! IPAGDARASAL KO NA LUMIWANAG PO SANA ANG INYONG ISIPAN AT KUNG SINO MAN PO ANG NAG-UTOS SA INYO!"
Dagdag pa niya, "KUNG SAKALING 'DI NA PO KAMI MAKABALIK, MARAMING-MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT! SA LAHAT NG SUMUBAYBAY SA HALOS LIMANG TAON SA AMING TELESERYE!"
♥♥♥
Vice, nanawagan sa mga fans at supporters niya na makiisa sa laban ng ABS-CBN
Sa Sunday pa ang Mother's Day, pero ilang araw bago ang selebrasyon nito, pinaiyak na si Vice Ganda ng kanyang ina na si Rosario Viceral sa text message na ipinadala nito sa komedyante at host.
Ishinare ni Vice sa kanyang socmed account ang text message sa kanya ng ina, "Ito ang text na bumungad sa 'kin ngayong tanghali. Lalong nadurog ang puso ko. At alam kong 'di lang ang nanay ko ang nanay na malungkot ngayon kundi lahat ng nanay na naapektuhan ng pagpapasara ng ABS-CBN. Mahigpit na yakap sa ating mga nanay," caption ni Vice sa screenshot photo ng text ng kanyang ina.
Ipinadala ng ina ni Vice ang text message kinabukasan pagkatapos ma-shutdown ang ABS-CBN.
Sey ng kanyang madir, "Good morning anak. I didn't sleep good last night about the sudden closing of Abs. I stayed until the sign off and feel so sad even if I know that it won't be long anak, it's just my heart goes with the small workers in this time of hardship. Want to hug you anak with all my heart and miss you so much."
Samantala, inanyayahan naman ni Vice ang kanyang mga fans sa Kapamilya event na nakatakdang mapanood nang live sa Facebook ngayong 8 PM, ang #LabanKapamilya.
Isa si Vice sa mga Kapamilya big stars na magpa-participate sa event sa #LabanKapamilya.
"MAGKAISA TAYO NGAYONG GABI, MGA KAPAMILYA!," latest post ni Vice sa kanyang social media accounts today.





Comments