top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ayuda ng Amerika, totoong tulong ‘di tulad sa China na may bayad, buwisit!

  • Pabs Hernandez III
  • May 8, 2020
  • 2 min read

AYUDA NG U.S. SA PILIPINAS, TOTOONG TULONG HINDI TULAD NG CHINA MAY BAYAD—Nagbigay na naman ng tulong na $5.9 million (P298 milyon) sa Pilipinas ang United States (US) bilang dagdag-pondo sa gastusin ng pamahalaan ngayon panahon ng krisis dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

‘Yan ang totoong tulong, hindi tulad ng China na ang ipinadalang mga personal protective equipment (PPE) at medical supplies sa Pilipinas ay may bayad pala, buwisit!

◘◘◘

SA MGA NAGING PANGULO NG PILIPINAS, SI P-DIGONG ANG MAY PUSONG BATO—Sa mga naging pangulo ng bansa ay si P-Duterte lang yata ang may pusong bato sa mamamayan.

Nang ilunsad ang “war on drugs” at libu-libo na ang napapatay, nanawagan ang simbahan na huwag pairalin ang “bloody drug war” at ipa-rehab ang mga nais magbago dahil pati ang mga bata ay nadadamay, pero hindi nakinig ang pangulo at sinabi pang “collateral damage” lang ang mga batang napapatay.

Samantala, noon namang makiusap ang mga tsuper na huwag i-phaseout ang mga jeep dahil hindi nila kakayanin ang down payment sa bagong e-jeep sapagkat mahirap lang sila, “bad words” at mura lang ang inabot ng mga drivers at sinabihan pang…“Mahirap kayo? Magtiis kayo sa hirap at gutom, wala akong pakialam”.

Ang latest naman, sa panahon ng krisis dulot ng pandemyang COVID-19, ipinasara ng kanyang gobyerno ang ABS-CBN na nagdulot para matengga ang libu-libong manggagawa ng Kapamilya network, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

PATI BATA, BINA-BASH NG MGA DDS—Isang batang babae ang nag-viral sa social media na umiiyak dahil hindi na niya mapapanood ang paborito niyang cartoons sa ABS-CBN dahil isinara na ito. Marami ang naawa sa bata pero ang mga DDS, pinagtawanan at binash pa ang ito.

D’yan makikita kung gaano kasama ang asal ng mga DDS, mga pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page