23 Pinoy sa Dubai, patay sa COVID-19
- BRT
- May 8, 2020
- 1 min read

Pumalo na sa 23 na Filipino sa Dubai ang namatay dahil sa Coronavirus Disease 2019.
Ayon kay Philippine Consul-General Paul Raymund Cortes, maraming Filipino sa Dubai ang tumatawag sa kanyang tanggapan upang ipaalam na tinamaan sila ng COVID-19.
“Meron na rin po tayong around 23 na namatay na atin pong mga kababayan sa COVID-19 dito lang po ‘yan sa Dubai,” pahayag ni Cortes.
Gayunman, marami naman sa mga Filipino na tinamaan ng COVID-19 ang gumaling na.
Sa ngayon, 16,240 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 cases sa United Arab Emirates.
Nasa 650,000 na Filipino ang nasa UAE.





Comments