2 taon pa bago maging normal ang boxing event sa mundo
- Gerard Arce
- May 8, 2020
- 1 min read

Inaasahan ni World Boxing Council (WBC) president Mauricio Sulaiman na aabutin pa ng dalawang taon bago pa muling manumbalik ang ‘normal’ na laban sa propesyunal na boksing sa buong mundo.
Naniniwala siyang magkakaroon ng malaking pagbabago sa mga laban sakaling magbalik na ito. Magkakaroon ng mga laban ngunit walang mga manonood at ang mga hurado ay nagsasagawa ng officiating sa pamamagitan ng video sa kanilang mga tahanan.
"The judges will be judging from home via access to the live video,” wika ni Sulaiman sa isang video conference.
Sinabi rin ni Sulaiman na nakagawa na ang WBC ng protocol para sa mga laban habang mayroong coronavirus disease (COVID-19) pandemic, na naglilimita, halimbawa, sa isang fight card na may 40-50 manonood sa venue, kabilang ang handler sa bawat manlalaro, boxing commission supervisors, media at TV production.
“The video, we would have without commentary of the television network so it's a clean international feed. They are in secure communication. The judges score the round, it gets fed into the system administration, it gets to the supervisor and the local commission. There is a contingency plan for failure of connections. So we have Plan A, Plan B and Plan C,” eksplika ni Sulaiman. “We all are tired of watching TV, and old fights. I do really think that with responsibility, taking all the precautions with a very well-prepared protocol, we could have boxing events again without any risk,” dagdag nito.
Idinagdag pa ng anak ng dating pinuno ng WBC na si Jose Sulaiman, na magiging flexible sila sa mga petsa na nais ng mga kampeon para kunin ang mandatory challenges nito.





Comments