'Wag daw ABS-CBN lang ang pag-initan... Resbak ni Juday: Ibang kumpanya ang biased, imbestigahan
- Vinia Vivar
- May 7, 2020
- 4 min read

Matapos ang pagtigil sa ere ng ABS-CBN last Tuesday night, wasak na wasak at durog na durog ang puso ng libu-libong empleyado nito, gayundin ang mga Kapamilya stars. Hindi lang sila kundi pati na rin ang mga ordinaryong mamamayan lalo na nga ang mga lumaking nanonood sa ABS-CBN.
It was really heartbreaking for most of the Filipinos especially the last few moments mula sa pamamaalam ng TV Patrol anchors hanggang sa pagtugtog ng Lupang Hinirang na hudyat ng signing-off hanggang sa finally ay mag-black na ang screen.
Marami sa mga Kapamilya stars ang ipinaramdam sa kani-kanilang social media accounts ang sakit na nararamdaman sa pagsasara ng network na kanilang minamahal at pinaglilingkuran. Halos lahat ay nagsipag-post ng logo at iconic ribbon ng ABS-CBN bilang pagpapahayag ng suporta.
Isa si Judy Ann Santos sa mga nakita naming nakiisa at nagpahayag ng sakit na nararamdaman.
Sa kanyang post sa Instagram ay humihingi ng paliwanag ang aktres kung bakit kailangang ipasara ang network.
Aniya, “Nakakalungkot.. nakakapanghina... nakakatulala.. dalawang bagay ang hindi ko inakalang mangyayari sa buong buhay ko.. ang maranasan ang ECQ at magsara ang naging bahay at buhay ko mula 13 years old ako.
“Maraming mas dapat pagtuunan ng pansin sa mga panahong 'to. Maraming nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno. Maraming natutulungan ang kumpanyang bumubuhay sa puso ng mga tao sa panahong 'to sa pamamagitan ng mga programang puwedeng magpalibang at pansamantalang makalimutan ang mga problemang pinagdaraanan nating lahat... bakit po? Bakit ngayon??
“Hindi po ba mas importanteng magtulungan tayo at magkaisa kahit pansamantala na muna habang may kinakaharap tayong mas malaking kaaway? Hindi po ba dapat sama-sama nating ginagawa ang puwede nating magawa para makapagsilbi sa mamamayang Pilipino??
“Hindi ko naiintindihan... kung may iilang tao ang nagbubunyi ngayon dahil nakuha at nagawa nilang maipasara ang ABS-CBN.. mas marami po kayong taong nasaktan at tinanggalan ng trabaho sa panahong lahat ng tao ay nag-aalala kung paano bubuhayin ang mga pamilya nila... maaari po bang makahingi ng sapat na paliwanag??” ang kabuuan ng post ni Juday.
Isang netizen ang sinabihan siyang bobo at huwag daw puro daldal.
"JUDAY, law is law kasi! Hindi excepted ang kompanya mo. Mag-aral ka nga. 'Wag puros dada diyan sa kusina mo, ambobo,” komento ng isang netizen.
Sagot naman ng aktres, "Bobo agad?? Ngayon lang ako nagsalita… madada na? Hindi ko sinasabing dapat EXEMPTED ang ABS-CBN…ang sinasabi ko lang naman… may tamang timing sana…hindi sa panahon na maraming tao ang naghihirap lalo ngayon sa epidemyang ito..
“Na dapat mas pagtuunan ng pansin MUNA para makabalik tayong lahat sa mga normal nating buhay, at makapaghanap ng trabaho ang mga taong mawawalan ng trabaho.
“Siguro.. kung isa sa pamilya mo ay nagtatrabaho sa ABS-CBN, hindi 'yan ang sasabihin mo...”
Comment naman ng isa pang netizen, “No one is above the law” at sinagot din ito ni Juday.
Aniya ay alam naman niya ito pero ang sa kanya lang daw ay hindi dapat isabay sa ganitong sitwasyon.
Sagot naman ng isang netizen, "It was at the wrong time, we know, but the BEST DECISION EVER! And we, normal Filipinos who see how biased the station is, would celebrate this closure! I understand you are sad, all of you working under ABS-CBN, but sometimes, you also have to see in different perspective."
Sagot naman ni Juday, "I understand…but if we are to talk about being biased… and or other violations of our network, why not investigate on other companies as well??"
♥♥♥
Mark, shocked nang mag-viral ang sayaw niya sa socmed
Hindi makapaniwala ang tinaguriang 'Bad Boy of the Dance Floor' na si Mark Herras sa kanyang trending na TikTok video kung saan napanood siyang sumasayaw sa kantang Average Joe na pinasikat niya ilang taon na ang nakaraan.
Sa kuwento ng Kapuso artist, hindi raw niya inaasahang magba-viral ito dahil ginawa lamang niya ang sayaw upang malibang habang naka-quarantine.
“Nagulat ako na parami nang parami ang shares hanggang 'yun nga, nag-trending na kahit sa Twitter. Parang ayaw ko na ngang gawin kasi medyo nagsasawa na ako kasi parang buong buhay ko na siyang sinasayaw,” biro ni Mark.
Laking-pasasalamat din niya dahil hindi pa rin nakakalimutan ng mga fans at ng publiko ang dance craze na ito.
♥♥♥
Sen. Bong, nagbigay-pugay sa pagpanaw ni Direk Peque Gallaga
Nagbigay-pugay si Sen. Bong Revilla, Jr. sa pagyao ng isang institusyon sa showbiz, ang premyadong direktor na si Peque Gallaga na sumakabilang-buhay ngayong umaga, May 7, 2020.
Nakatrabaho ni Sen. Bong si Direk Peque sa Dugo ng Panday in 1993 at itinuturing niya ang sarili na isa sa masusuwerteng artistang naidirehe ng magaling na direktor.
Narito ang statement ni Sen. Bong…
“Today is a very sad day. Ako po ay nagluluksa kasama ng buong industriya ng pelikulang Pilipino sa pagpanaw ng isang institusyon sa larangan ng sining - si Direk Peque Gallaga.
“Taimtim na dasal po at pakikiramay sa kanyang mga iniwang mahal sa buhay. Napakapalad ko po na ma-mentor ni Direk Peque, isa sa pinakamagaling na direktor sa industriya.
“He was my director sa Dugo ng Panday, one of my grandest and most epic movies. Dahil sa kanya at sa tiwala ni Ninong Ron (FPJ) ko namana si Flavio.
“Hanggang sa mga pinakabago kong pelikula ay hindi ko nakakalimutang ikonsulta sa kanya. He had an eye for the art like no other. The grandness of his visions and his designs, which only he can successfully translate into film, made him a legend in his craft.
“Ang puwang na kanyang iniwan ay mahirap mapunan ninuman. You will greatly be missed, Direk. Rest well in the loving arms of our Father. Heaven will be a more beautiful place with you there. From Sen. Bong Revilla.”





Comments