Senior citizen, may 20% discount at VAT exemption sa vitamins, supplements
- V. Reyes
- May 7, 2020
- 1 min read

Mababawasan na ang bayarin ng mga senior citizen sa kanilang bibilhing vitamins at mineral supplements matapos na aprubahan ng Department of Health at Food and Drugs Administration ang 20-porsiyentong diskuwento at paglilibre sa Value-Added Tax (VAT).
Sa ipinalabas na DOH Administrative Order 2012-0007-A, inaamyendahan nito ang kautusan para maisama na rin ang mga bibilhing bitamina ng mga nakatatanda sa listahan ng mga gamot na may diskuwento.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na sa naunang administrative order ay hindi naging malinaw ang mga panuntunan para sa pagbibigay ng diskuwento at VAT exemption sa pagbili ng vitamins at mineral supplements.
“This amendment is, hence, being issued to clarify that the purchase of vitamins and minerals supplements of senior citizens is likewise subject to the 20% Discount and VAT exemption subject to conditions prescribed under RA No. 9994 and its IRR,” ayon kay Duque.
Nauna nang ipinarating ng isang grupo ng mga senior citizen ang kanilang apela sa DOH para atasan ang mga botika at establisimyento na mabigyan ng diskuwento at VAT exemption ang kanilang hanay sa vitamins at mineral supplements lalo na't kailangan sa panahon na mayroong
COVID-19 pandemic.





Comments