top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Special risk payment sa mga taga-media na dedma kahit namemeligro ang buhay sa makapangalap lang ng

  • Imee R. Marcos
  • May 6, 2020
  • 1 min read

Alam natin mga friendship na talaga namang buwis-buhay ang mga taga-media para maihatid sa atin ang mga sariwa at totoong mga balita (hindi mga fake news, ha?! Ha-ha-ha!)

Hindi biro ang kanilang ginagawa. Aba, namemeligro rin ang kanilang buhay para mangalap ng mga balitang ihahatid sa atin na fresh na fresh.

Nand’yan ang pangunguna sa press con, pagpunta sa mga ospital, pangangamusta sa mga frontliners at kahit ang mga nameligro ang buhay dahil sa virus, pero keber lang sa kanila dahil ‘yun ang hinihingi ng kanilang trabaho.

Kahit ma-expose sila sa virus, keber lang dahil ang mahalaga sa kanila ay ang mga balita na dapat maibigay sa atin. Isang uri ng serbisyong-bayan na hindi dapat natin binabalewala!

Eh, ‘di ba nga mayroon nang mga mamamahayag na tinamaan ng COVID-19, pero hindi sila napipigil sa pagtatrabaho sa ngalan ng paghahatid ng mga totoong balita sa madla, ‘di ba? Kaya naman, marapat lang na suklian din ang katapangan nila.

FYI, mga beshy, importante ang papel nila sa tuwing may krisis na tulad nitong COVID-19 at iba pang mga kalamidad at sakuna. At sa panahon ng fake news, sa panahon ng napakagulo at umiiral na chismis, eh, talagang napakaimportante ng responsible media.

Kaya naman, itinutulak ko rin ang panukala na mapabilang ang media sa frontliners at makakuha din ng special risk payment.

Kung wala ang media, eh, bulag tayo at walang alam sa mga nangyayari sa ating paligid, sa mga kababayan at sa buong mundo ngayong panahon ng COVID-19! Hindi naman tayo basta na lang umasa kung kani-kanino lang sa social media at baka ma-fake news pa tayo. Kung walang media, walang balita!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page