SolGen Calida, walang kinalaman sa pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN — M'cañang
- Mylene Alfonso
- May 6, 2020
- 1 min read

Itinanggi ng Palasyo na may impluwensiya ni Solicitor General Jose Calida ang pag-isyu ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission laban sa ABS-CBN.
“Alam niyo po, tapatan. Hindi po nag-influence si Calida,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa isang panayam.
Hindi rin kumbinsido si Roque na lampas sa mandato ng OSG ang ginawang pagliham ni Calida sa NTC na magiging kaparusahan sa sandaling bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN upang makapag-operate habang nakaangkla pa sa Kongreso ang legislative franchise ng higanteng media network.
“Sumulat po siya, that’s in due course of his job. It is perfectly within his right to write,” pagtatanggol pa ni Roque.
Matatandaang binalaan din ni Calida ang mga commissioners na maaaring maharap sa kasong graft and corruption kapag nagpalabas ng "unlawful" PA sa ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa na nagtapos noong May 4.





Comments