Pinag-aaralan nang gamot sa COVID-19... Virgin coconut oil, matutulad sa alcohol na laging sold-out
- Govinda Jeremaya
- May 6, 2020
- 2 min read

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya
Kamakailan, laman ng mga balita ang virgin coconut oil na pinag-aaralan ng mga eksperto laban sa COVID-19. Ngayon, malalaman natin kung ano ang mga sikreto nito at kung bakit ito ang napiling pag-aralan ng mga eksperto na maaaring panlaban sa COVID-19.
Isang super food ang virgin coconut oil, kumbaga, para siyang si Superman sa taglay na power at ang isa sa na rito ay antimicrobial properties, ibig sabihin, ito ay panlaban sa bacteria, fungi at virus.
Taglay ng virgin coconut oil ang lauric acid na umaabot sa 55% ng fatty acids na nasa coconut oil.
Kapag ang katawan ay nag-digest ng lauric acid, magkakaroon ng substance na kung tawagin ay monolaurin. Ayon sa mga eksperto, ang lauric acid at monolaurin ay nakakapatay ng harmful virus, bakterya at fungus.
Ito ang numero-unong dahilan kung bakit sinasabi ng mga doktor na gumagamot sa may COVID-19 na posibleng virgin coconut oil ang gamot sa deadly virus.
Sa ngayon, kinikilala na ang virgin coconut oil hindi lang sa U.S.A. kundi sa buong mundo, kumbaga, kahit walang COVID-19 noon ay marami nang tumatangkilik dito dahil sa napatunayang ito ay nagpapaganda ng kutis kaysa sa mga lotion.
Anu-ano pa nga ba ang kayang gawin ng virgin coconut oil?
Mabilis na gumagaling ang mga sugat kapag pinahiran ng virgin coconut oil
Ginagamit na rin itong numero-unong sangkap ng mga skin at hair products
Nagpapalakas ito ng puso kaya ito rin ay very good for the heart health
Ito rin ay kinikilalang nagpapalakas ng immune system sa pamamagitan ng pag-inom ng isang kutsarang virgin coconut oil araw-araw
Sa ngayon, in-demand ang virgin coconut oil, kaya hindi magtatagal ay matutulad din ito sa alcohol na nauubos agad sa mga supermarket.
Gayunman, madali at simple lang ang paraan para makagawa ka ng sarili mong virgin coconut oil.
Kumuha ng niyog o coconut.
Kayurin ito gamit ang kudkuran ng niyog at mas maganda kung pino ang niyog. Dahil dito, mas maganda rin kung maliit ang ngipin o talim ng kudkuran ng niyog.
Lagyan ng tubig at kinayod na niyog.
Katasin nang katasin tulad kapag gumagawa ng gata ng niyog.
Ilagay sa pitsel o boteng malinis ang katas ng niyog.
Itabi ang pitsel o bote, huwag gagalawin sa magdamag o isang araw.
Balikan at makikita ang cream sa ibabaw. Alisin ito at ang matitira na lang ay ang likido na siya mismong oil o langis at ito na ang iyong virgin coconut oil.
Good luck!





Comments