top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Natapos ang S. Y. 2019-2020 nang walang grado ang mga estudyante, pambihira!

  • Ka Ambo
  • May 6, 2020
  • 2 min read

Humuhupa na ang COVID-19 sa buong mundo.

Keep safe na lang sa second wave!

◘◘◘

ITINAKDA ng DepEd ang opening of classes para sa 2020-2021 school calendar sa Agosto 24.

Meaning, hindi natin namalayan—nag-closed na pala ang S. Y. 2019-2020 nang walang grado ang ating mga anak!

◘◘◘

PINAKAMAGARBO sa lahat ang 2022 elections.

Lahat ng incumbent officials, sangrekwa ang campaign funds!

◘◘◘

MARAMI nang excited sa kampanya.

Marami na silang datung!

◘◘◘

UNTI-UNTI nang pumoporma ang mga drug lords, gambling lords at prostitution lords.

Uhaw na uhaw sila sa dugo ng mga nagdarahop!

◘◘◘

HINDI lang ang mga tao ang apektado ng lockdown.

Pati si Lord—hindi na napagdadasalan sa mga kapilya’t simbahan!

◘◘◘

MALULUSOG ang 4 bilyong populasyon sa buong daigdig.

Kain-tulog lang ang buhay!

◘◘◘

SA ayaw o sa gusto ng bawat nilalang, ang mga tao ay nasa ilalim ng global meditation.

Ibig sabihin ng meditation—concentrate lang ang isip sa iisang bagay.

‘Yan ay kung paano makababalik sa normal!

◘◘◘

MARAMI ang humuhusga sa nagpapakilalang si Francis Leo Marcos.

Iisa lang naman sila ng motibo ni Willie Revillame.

Ito ay ang dumami ang kanilang “viewers” gamit ang “modus sa pamimigay” sa mahihirap!

◘◘◘

ANG mga gameshow ay kailangan ng viewers upang patulan ng mga sponsors.

Mula sa sponsors, yumayaman ang mga host.

Modernong “host” si FLM—sa kanyang diskarteng “pilantropo”!

◘◘◘

ANG mga gameshow tulad ngayon at maging sa normal na buhay—ay scripted at “recorded”.

Kinopya ‘yan sa “The Price is Right” sa US.

Pinagaganda ang “presentasyon” upang makahakot ng viewers.

Ano ang pagkakaiba nila kay FLM?

◘◘◘

IISA lang ang problema ni FLM.

Ito ay ang kanyang “secret character”.

Sino ang wala?

‘Eka nga sa paborito ninyong noon time show: Huwag kang ‘dyadsmentyal”.

May bigas pa ba riyan? He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page