top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Masuwerteng araw, kulay at numero na dapat bantayan para sure na tumama ng jackpot

  • Maestro Honorio Ong
  • May 6, 2020
  • 2 min read

Dear Maestro,

May inaalagaan akong mga numero, kaso mahigit isang taon ko na itong tinatayaan pero hindi pa rin tumatama. Dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pagtaya rito o palitan na ang mga numerong ito? Kung papalitan ko ang mga ito, anu-anong numero ang suwerte para sa akin? Bago magka-Covid-19 ay nag-a-apply din ako sa abroad bilang seaman, matutuloy kaya ako at kung matutuloy ako, kailan ito mangyayari? May 5, 1991 ang birthday ko.

Umaasa,

Mr. Taurus ng Roxas, Solano, Nueva Vizcaya

Dear Mr. Taurus,

Ang birth date mong 5 sa destiny number na 3 (5+5+1991=2001/ 20+01=21/ 2+1=3) sa zodiac sign na Taurus ay nagsasabing mapalad ka sa lahat ng numerong may sumatotal na 5, 8, 3 at 6, sa mga grupong nabanggit ka dapat humugot ng numero upang makatikim ng malaking panalo.

Halibawa, sa grupo ng 5, kabilang dito ang 14, 23, 32, 41 at iba pang numerong may sumatotal na 5. Sa grupo naman ng 8, kabilang dito ang 17, 26, 35, 44, at iba pang numero na may sumatotal na 8. Habang sa grupo ng 3, kabilang dito ang 12, 21, 30, 39 at iba pang numero na may sumatotal na 3 at sa grupo ng 6, kabilang dito ang 15, 24, 33, 42 at iba pang numero na may sumatotal na 6.

Ngayon, kung kabilang sa nasabing mga grupo ang inaalagaan mong numero, tiyak ang magaganap sa panahong inilaan ng kapalaran, hindi ka dapat mainip at magpalit ng mga numerong iyong inaalagaan, sapagkat tiyak ang magaganap, darating ang panahong masasapol mo rin ang jackpot.

Mapalad ka naman tuwing sasapit ang ika-23 ng Disyembre hanggang ika-27 ng Enero, mula ika-23 ng Abril hanggang ika-27 ng Mayo at mula ika-23 ng Agosto hanggang ika-27 ng Setyembre, higit lalo sa mga araw ng Miyerkules, Huwebes at Biyernes, sa mga petsang 5, 14, 23, 9, 18, 27, 6, 15 at 24.

Asul, gray, puti at pula naman ang pinakamapalad mong kulay na dapat isuot sa panahong may mahalaga kang lakad at iba pang gawaing may kaugnayan sa pakikipagsapalaran. Samantala, ang violet o lilac ay maaari namang ipamalit sa kulay na pula kapag nasasawa ka nang gamitin ang nasabing kulay.

Samatala, ka-compatible mo naman ang mga taong isinilang sa zodiac sign na Virgo, Capricorn, Taurus, Scorpio, Libra at kapwa mo Taurus. Sa kanila ka sumama at laging makipagkuwentuhan dahil ang nasabing mga nilalang ang may malaking maitutulong sa iyo sa career at aspetong pangkabuhayan.

Habang, ayon sa iyong Travel Calendar, sa taong 2023 sa edad mong 32 pataas, may mabunga at mabiyayang pagba-barko na itatala sa iyong karanasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page