top of page

Maberdeng gulay at pagkain na pampalakas ng immune system

  • Lolet Abania
  • May 6, 2020
  • 2 min read

Dumarami man ang naitatalang kaso ng may sakit sa ating bansa, unti-unti namang natututo ang lahat sa karanasang bigay ng coronavirus. Gayundin, lumawak ang kaalaman ng marami kung paano higit na lalabanan ang pandemic na ito dahil mas nagiging aware tayo na dapat ay taglay natin ang malakas na immune system.

Para lalo pang tumibay ang ating katawan, heto ang ilang pagkain na makapagpapalakas ng ating immune system:

1. Broccoli. Napakayaman ng gulay na ito sa sustansiya, gayundin, ito ay pinagmumulan ng Vitamin C. Nagtataglay din ito ng potent antioxidants tulad ng sulforaphane. Magandang kumain nito nang madalas para tulungan ang ating immune system.

2. Spinach. Pinalalakas nito ang ating immune system dahil mayroon itong nutrients at antioxidants tulad ng flavonoids, carotenoids, Vitamins C at E na mainam sa ating immune system. Gayundin, ayon sa mga eksperto, ang flavonoids ay tumutulong sa para maiwasan ang common colds.

3. Luya at Bawang. Madalas na kasama sa pagluluto ang luya na minsan ay ginagawa pang tsaa. Ayon sa mga pag-aaral, ang luya ay nagtataglay ng anti-inflammatory at anti-oxidative properties na maganda sa ating kalusugan. Mainam naman ang bawang para ma-prevent ang sipon at iba pang sakit. Ang pag-inom naman ng garlic supplements ay mainam upang maiwasan ang magkaroon ng sipon dahil nagtataglay ito ng allicin.

4. Green tea. Sa tuwing umiinom nito kahit na may konting caffeine, pinatitibay nang husto ng green tea ang ating immune system. Katulad ng blueberries, nagtataglay din ito ng flavonoids na panlaban sa pagkakaroon ng sipon.

5. Oily fish. Pinagmumulan ng Omega-3 fatty acids ang mga ganitong isda tulad ng salmon, tuna, pilchards. Ayon sa report noong 2014, ang pagkain ng mayroong Omega-3 fatty acids ay nakaiiwas sa sakit na rheumatoid arthritis (RA). Ang RA ay isang chronic autoimmune condition na inaatake ang ibang malusog na parte ng katawan at pinahihina ang immune system.

Wala pang nadidiskubre bakuna kontra sa deadly virus na ito, subalit mainam na mayroon tayong alternatibo upang labanan ang ganitong uri ng sakit. Kinakailangan lang na matibay at malakas ang ating immune system dahil sakaling tamaan man ng COVID-19, makakayanan ng katawan ang lumaban sa matinding sakit na ito. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page