Franchise bill ng ABS-CBN, hindi masesertipikahang urgent ni P-Digong
- Mylene Alfonso
- May 6, 2020
- 1 min read

Hindi masesertipikahang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang franchise bill ng ABS-CBN na kasalukuyang nakabinbin sa Kongreso.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pribadong interes ang usapin sa prangkisa.
Nasa kamay na umano ng Kongreso ang pagpapasya kung mare-renew ang prangkisa ng network.
“Hindi naman po maeendorso ng Presidente ‘yan as urgent dahil meron nga pong private interest d'yan. At talagang hindi po ginagawang certified as urgent ang mga franchise bills. So, intindihin n'yo po, kahit gusto po na makapagbigay ng prangkisa ang Presidente mismo, wala po siyang ganyang kapangyarihan,” ani Roque.
Isang buwan aniya ang sesyon ng Kongreso at kung talagang pursigido ang mga mambabatas, kakayanin umano ng mga ito na makapagpasa ng batas para mabigyan ng prangkisa ang naturang istasyon.
Matatandaang noong Lunes, Mayo 4 nang magbalik-sesyon ang Kongreso.





Comments