top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dahil sa pagpapasara sa ABS-CBN... 2,600 posibleng magka-COVID-19 — Salceda

  • V. Reyes​
  • May 6, 2020
  • 1 min read

Mayroon umanong direktang epekto sa mga kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa ang pagpapasara sa broadcast network na ABS-CBN.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, batay sa isang pag-aaral ay may tinatawag na direct impact ang ABS-CBN closure at posibleng umabot ng hanggang 2,600 ang karagdagang tatamaan ng virus infection.

“We have an entire model, essentially this thing will cost us 2,600 more infections. In short, it has a direct impact on something that we’re trying to deal with so it is an existential threat to the country,” ayon kay Salceda.

“COVID-19 is an existential threat and the [National Telecommunications Commission (NTC)] behavior essentially is aggravating this threat to our national health and national security,” dagdag nito.

Ibinase ni Salceda ang pahayag sa panahon o oras na nanonood ng telebisyon ang mga Pilipino at ang market share ng ABS-CBN.

Ibig umanong sabihin, mas malaki ang tyansa na hindi lumabas ng kanilang bahay ang mga tao kung napapanood ang paborito nilang mga palabas sa telebisyon. Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang hawaan.

“Para sa karamihan po sa amin sa Kongreso, lalong-lalo na sa oras na ito, 'yung problema po talaga ng NTC dahil talagang nakakasira talaga ng national strategy,” pahayag pa ni Salceda.

Nauna nang nagtigil-operasyon ang ABS-CBN matapos na mapaso ang prangkisa nito noong Mayo 4 at nabigong mabigyan ng provisional authority ng NTC.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page