top of page

Mayor Vico, galit na galit sa ex-PBA cager na nagmura sa staff niyang namimigay ng relief goods

  • Beth Gelena
  • May 5, 2020
  • 3 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Hindi nagustuhan ni Pasig Mayor Vico Sotto ang ginawang paninigaw ng former PBA player sa Pasig City personnel habang nagdi-distribute ng financial aid sa mga bahay-bahay ang mga ito.

Sa Facebook Live session, sinabi ni Mayor Vico na ang former PBA player na nakatira sa Green Park Village ay nagreklamo na maliit lang umano ang ipinamimigay nilang ayuda at kung anu-ano pa raw ang sinabi sa kanyang mga personnel.

Ani ng anak nina Coney Reyes at Bossing Vic Sotto, "Kung naliliitan siya sa ipinamimigay ng City, ibig sabihin, hindi niya kailangan 'yun."

Dugtong pa ni Pasig Mayor Vico, "Alam ko naman kung magkano ang suweldo niya dati. Hindi naman siya mahirap."

Sinabi pa ng mayor na ang ex-PBA cager ay dating ka-teammate ni Marc Pingris, ang kanyang brother-in-law.

Ipinagtanggol ni Mayor Vico ang city hall personnel na nagpapakahirap magtrabaho kahit na mainit ang araw maihatid lang ang ayuda sa Green Park Subdivision para sa assistance ng mga nangangailangan.

"'Yung sense of entitlement ng ibang tao, grabe talaga. Itong mga frontliners natin na nagpapagod, over beyond the call of duty, tapos mumura-murahin ng taong ‘yun?

"Sobra eh," the mayor added.

"'Yung mga team leaders natin, pagod na pagod 'yan. Nagtatrabaho sila sa init ng araw."

Ayon pa kay Sotto, ang city ay nag-umpisang mag-distribute ng cash assistance sa mga residenteng hindi kasama sa list of beneficiaries ng national government’s social amelioration program.

***

ASSUNTA, BUNTIS NA AFTER NG 16 YRS. NA KASAL KAY CONG. JULES

After 16 years ng pagsasama ni Assunta de Rossi at ng former politician na si Cong. Jules Ledesma, sa wakas ay nabiyayaan na rin sila ng anak.

Ini-announce ni Assunta sa kanyang social media account ang good news.

Aniya, “After 16 years of praying.”

May post din siyang Bible quote na, “Blessed are the merciful For they will be shown mercy. -- Matthew 5:7"

Ang aktres na si Alessandra de Rossi ay tuwang-tuwa sa ibinalita ng kanyang ate.

Post ni Alex sa kanyang Instagram account, “God really answers prayers.”

Dagdag pa niya, "Heto ka na, tita na me!”

Ayon pa sa mahusay na aktres, mag-a-apply siyang nanny ng parating na pamangkin.

Ani Alex, “Naghahanap po ng work. Mag-a-apply na lang akong yaya sa mga Ledesma..."

Ang suweldong hinihingi ni Alex, "Keri na P150k/m."

Dagdag pa niya, mabait daw siya sa mga bata at maging sa ibang tao at dogs. Perfect storyteller din daw siya for a baby with song and dance pa.

"Please have mercy and reply asap. Thank you," post pa ni Alex.

Agad namang sumagot si Assunta, "Start ka muna sa ok."

Meaning, mag-uumpisa muna si Alex na mag-baby sitter nang libre.

Tugon naman ni Alex, "Hay nako. Kay Jules na lang at generous 'yun. Taga-sign ng papers? Lipat ko sa name ko? @julesledesma."

Para kay Assunta, ‘miracle’ ang kanyang pagbubuntis lalo na sa kondisyon niyang may myoma at endometriosis.

***

WILLIE, BILIB NA BILIB KAY MAYOR VICO

BILIB at hinahangaan ni Willie Revillame ang pamamalakad ni Pasig Mayor Vico Sotto sa siyudad na nasasakupan nito.

Maganda raw ang pagpapalaki ng mga magulang ni Vico na sina Coney Reyes at Vic Sotto.

Ani Kuya Wil, “Napakasimple. God-fearing kasi ‘yun at saka kay Tita Coney, ang ganda ng pagpapalaki. Napakasimpleng tao. Kung magsalita, malumanay. Mayor Vico Sotto, saludo kami sa

‘yo. You’re a good example sa kabataan, sa aming lahat.”

Ayon pa sa host ng Tutok to Win sa Wowowin, “Nakikita mo, laging nasa labas. Mayor Vico Sotto, ang galing mo.”

Ang gestures na ibinibigay ni Kuya Wil kay Mayor Sotto ay wala raw kinalaman sa pulitika.

Marami kasing lumalabas na balitang tatakbo umano sa darating na eleksiyon ang mahusay na TV host.

Tahasan niyang pinagdiinan na walang katotohanan ang mga balitang naglalabasan.

Si Willie ay patuloy na nagbibigay ng entertainment at cash prizes sa kanyang programang Tutok to Win sa Wowowin. Ito ang kanyang paraan ng pagbibigay ng ayuda sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa enhanced community quarantine.

Madali lang naman ang sumali, tutok lang sa programa niya na mapapanood sa FB Live at sa GMA-7, 'pag ikaw ang natawagan, P10K agad ang mapapanalunan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page