Kapalaran ng ABS-CBN, nasa kamay na ng Kongreso — Palasyo
- Mylene Alfonso
- May 5, 2020
- 1 min read

Naniniwala ang Malacañang na malaya pa rin ang ABS-CBN na gumawa ng mga legal na hakbang laban sa inilabas na cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, una nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apology ng ABS-CBN at ipinauubaya na lamang ng Punong Ehekutibo ang kapalaran ng naturang television network sa Kongreso.
Ipinabatid din ni Roque sa publiko na nasa kamay na ng Kongreso ang kahihinatnan ng legislative franchise ng ABS-CBN at iba pang broadcasting companies nito.
Gayunman, pinasalamatan pa rin ng Palasyo ang ABS-CBN sa naging serbisyo nito sa mga Filipino lalo na ngayong panahon ng krisis sa Coronavirus Diseases 2019.
"We thank the network for its services to the Filipino nation and people especially in this time of COVID-19. But in the absence of a legislative franchise, as we have earlier said, ABS-CBN’s continued operation is entirely with the NTC’s decision," sabi ni Roque.





Comments