top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Individual sports lang ang papayagan ng PSC matapos ang ECQ

  • Gerard Arce
  • May 5, 2020
  • 2 min read

Piling mga isports at laro lamang ang maaaring ganapin sa oras na ipatupad sa National Capital Region (NCR) ang General Community Quarantine (GCQ) upang mapanatili ang physical-social distancing.

Malaki ang paniniwala ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na maipagpapatuloy pa rin ng mga indibiduwal ang pisikal na aktibidades sa ibang pamamaraan nang may pagsunod sa mga patnubay na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) at parehong nakasaad sa mga alituntunin sa parehong Enhanced Community Quarantine (ECQ) at GCQ.

Idinagdag ni Ramirez na mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng pisikal na aktibidades at ehersisyo para mapalakas ang katawan ng bawat isa upang malabanan ang mapamuksang coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa IATF, ipinagbabawal pa rin ang mga pagtitipon ng hihigit sa 10 katao at ilang outdoor activities, habang pinanindigan nitong walang anumang magaganap na palaro, torneo, pagsasanay, at malakihang kampeonato sa oras na ilagay sa GCQ ang kabuuan ng Metro Manila.

“You cannot stop any physical fitness or activities of somebody to strengthen his immunity. This is not all about sports competition or championships. These are outdoor activities,” pahayag ni Ramirez sa isang radio interview. “It is a state policy to create a healthy, vibrant community because individual health and fitness is an integral, fundamental part of the community,” dagdag nito na nauna ng inanunsyo ang pagpapaliban ng lahat ng sports event sa bansa hangga't walang nakikitang lunas o vaccine hanggang Disyembre 2020.

Kabilang sa mga papayagan ng sports commission na puwedeng gawin sa ilalim ng GCQ bilang parte ng ehersisyo at fitness ay ang athletics, table tennis singles, frisbee, volleyball singles, golf, sailing, taekwondo forms (kata), skateboarding, tai-chi, kung-fu, running, horseback riding, hiking, baseball at no-tag softball.

“I don’t believe that we have to stop all of these because it’s very clear in the guidelines that these are the things na puwede,” saad ni Ramirez na nagawa na ring atasan ang PSC na kanselahin ang lahat ng pangunahing aktibidades sa ilalim ng pangangalaga nito at bahagyang maghigpit ng sinturon para ilaan ang pondo sa pagtulong sa problema sa pangkalusugan.

Sa naunang pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano ay sinabi nitong pag-aaralan at pag-uusapan nila ang ilang isports na mayroong physical distancing pagdating ng GCQ kabilang ang tennis, badminton at ehersisyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page