Sa nakalipas ng 2 linggo... 41 lalawigan, walang naitalang kaso ng COVID-19
- Madel Moratillo
- May 4, 2020
- 1 min read

Umabot sa 41 lalawigan sa bansa ang walang naitalang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 2 linggo o mula Abril 18 hanggang May 2.
Ayon sa Department of Health, kabilang sa mga lalawigang ito ay ang Agusan del sur, Aklan, Apayao, Aurora, Basilan, Batanes, Biliran, Bohol, Bukidnon, Camarines Norte, Camiguin, Capiz, Compostela Valley, Cotabato, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao Oriental, Dinagat Islands, Eastern Samar, Guimaras, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, Maguindanao, Masbate, Mt Province, Negros Oriental, Northern Samar, Pangasinan, Quirino, Romblon, Saranggani, Siquijor, Sorsogon, South Cotabato, Southern Leyte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Tawi-Tawi, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, hanggang kahapon Mayo 3 ay nasa 9,233 na ang kaso ng covid-19 sa bansa.
Ayon sa DOH, ang 67% dito ay mula sa National Capital Region.
Kabilang naman sa Top 3 barangay sa NCR na may pinakamaraming covid-19 cases ay sa Addition Hills sa Mandaluyong na may 55 na kaso, Tandang Sora sa Quezon City na may 52 kaso at San Antonio sa Parañaque na may 50 na kaso.





Comments