top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagpapatuloy sa “Build, Build, Build” projects, big help sa nakatengga nating ekonomiya

  • Imee R. Marcos
  • May 4, 2020
  • 1 min read

Agree ba kayo mga friendship na hindi dapat itigil ang build, build, build projects ng ating pamahalaan? Sa totoo lang, dapat itong itulak para may pansalo tayo sa COVID-19 funds at trabaho sa ating mga construction workers.

Hindi dapat talaga ihinto ang mga BBB projects kahit pa may pandemic, bakit ka ninyo?

Eh, makatutulong ito sa iba nating mga friendship, especially sa mga construction workers. Kapag hindi inihinto ang BBB projects tiyak na mapondohan ang mga hakbang ng ating pamahalaan kontra COVID-19.

Kinakapos tayo para suportahan ang mga cash aid at relief operations sa mga apektado ng lockdown, lalo pa at na-extend ito hanggang May 15, kaya talagang kailangan na malikot ang isip natin para magkadatung na pantulong.

Mas maraming makabagong solusyon ang kailangan tulad ng BBB Projects, eh, puwede namang ikompromiso natin at i-consider ang selective auction nito sa mga madatung at mapagbigay na private bidders.

‘Ika nga, kaunting kompromiso lang naman ito at nakapaloob naman ‘yan sa konsepto ng public-private partnership, ‘di ba?

At mind you, hindi lang ang nakatengga nating ekonomiya o pang-cash aid at pang-relief ang mapapala natin d’yan kundi makikinabang at magkakatrabaho rin ang libu-libong construction workers! Kaya ano pa ang hinihintay natin, gora na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page