Nasa Metro Manila para daw magsibalik... Eskuwelahan sa probinsya, ayusin
- BRT
- May 4, 2020
- 1 min read

Kaugnay ng Balik-Probinsya Program, inihirit na dapat ding paghandaan ng pamahalaan ang mga paaralan sa iba't ibang lugar para sa inaasahang paglipat ng mga estudyante na manggagaling sa Metro Manila at iba pang malalaking lungsod.
Ayon kay Sen. Bong Go, isa umanong dahilan kaya umaalis sa probinsya ang mga tao ay sa paniwala nila na mas maganda ang edukasyon sa Metro Manila.
“Tulad ko noon, probinsyano po ako pero lumipat ako sa Maynila para makapag-aral. Pero kung maayos ang mga eskuwelahan sa probinsya, hindi na kailangang pumunta pa sa siyudad ang mga estudyante at mapalayo pa sa pamilya nila,” dagdag pa ni Go.
Samantala, dapat din umanong masigurong sistematiko ang pagpapatupad ng Balik-Probinsya partikular ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Sa isang virtual meeting na pinangunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, napagkasunduan na dapat ang programa ay may tatlong phases. May pang-immediate para sa mga uuwi talaga pagkatapos ng ECQ, may medium-term para sa mga nais mag-relocate pabalik sa kanilang probinsya at may long term para mas mabigyan ng oportunidad ang mga tao at mapalakas lalo ang ekonomiya sa iba’t ibang lugar sa bansa.





Comments