top of page

Mga anak, nayakap na uli... Sylvia, sobrang hapi na ligtas na silang mag-asawa sa COVID-19

  • Vinia Vivar
  • May 4, 2020
  • 3 min read

Nakaka-good vibes ang post ni Sylvia Sanchez na finally ay nayakap at nakasama na nilang mag-asawa ang kanilang mga anak.

Matatandaang tinamaan ng COVID-19 si Sylvia at ang asawa niyang si Art Atayde at matapos lumabas sa hospital last month ay naka-isolate pa rin sila sa bahay at hindi puwedeng makasama ang mga anak.

Pero sa Instagram post ni Ibyang, tapos na ang quarantine days nilang mag-asawa at puwede na nilang makasama ulit ang mga anak. In fact, nag-post siya ng mga larawan nila kung saan ay makikitang hinahalikan niya ang mga anak na matagal niyang na-miss.

Makikita rin sa larawan na magkasalo na silang buong pamilya sa hapag-kainan.

“Praise and thank you GOD. After 1 month & 9 days, we can now hug, kiss, play, and eat together wd our kids,” bungad ng caption ni Ibyang sa IG.

Ayon kay Ibyang ay labis ang takot niya noon na posibleng mahawa ang kanilang mga anak sa kanilang mag-asawa.

“Tandang-tanda ko 'yong pakiramdam ko na 'di namin puwedeng malapitan, mayakap o mahalikan ang mga anak namin. Ang lungkot! Napakalungkot.

“Bilang isang ina, araw-araw dinudurog ang puso ko 'pag naiisip ko na posible naming nahawa ang mga anak namin. 'Yan ang pinakakinakatakutan ko habang nakikipaglaban kaming mag-asawa sa COVID. 'Yan ang ipinagdarasal ko araw-araw sa hospital bed ko na sana, 'wag mangyari,” aniya.

Pero ngayong okay na okay na silang mag-asawa and thankfully ay hindi rin nahawa ang kanilang mga anak, labis-labis ang pasasalamat ni Ibyang lalo na nga’t nayakap na nila ang mga anak.

“But today I am grateful to GOD that He heard and answered our prayers. My husband and I are now okay and reunited with our children.

“Finally, nayakap na namin ang mga anak namin kaninang lunch. Yahoooo!!! Ang sarap-sarap ng pakiramdam!! Ang saya-saya.

“Thank you to our family, friends, ABS-CBN family, Beautederm family, Sylvianians, Rialistic, Arjo’s Angels, ArmaineLovers, Team Atayde and to all the fans and everyone who prayed for our recovery.

“But most of all, thank you to all the frontliners that took care of us and to those who continue to fight for everyone. It was not an easy fight but we won because of your unending prayers and love. And with the Grace and Love of GOD.

“Ngayon, haharapin namin ang buhay ulit nang magkakasama. At patuloy kong ipinagdarasal na matapos na ang virus na 'to. In JESUS name,” saad pa ni Ibyang.

♥♥♥

Andre, bored na bored, 6 minutes nag-emote sa video nang walang dialogue

Habang naka-quarantine ay ang kanyang YouTube vlog ang pinagkakaabalahan ng Kapuso actor na si Andre Paras at madalas siyang mag-upload ng bagong content.

Nag-effort ang aktor dahil isa sa kanyang mga recent uploads sa Shout Out Andre vlog ay ang video call niya with twins nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Mavy and Cassy.

Ang ganda ng usapan nila kaya naman aliw na aliw ang mga netizens. May nagkomento nga na sana raw ay mabigyan ng show ng GMA-7 ang tatlo na magkakasama.

Ang dami ring requests kay Andre ng mga gusto nilang i-feature na artista sa Shout Out Andre vlog at isa sa mga hilig nila ay si Yassi Pressman na as we all know ay unang ka-love team ng aktor at nakasama sa Diary ng Panget with James Reid and Nadine Lustre.

Aliw din ang bagong upload ni Andre ngayong araw (Monday, May 4) titled My Girlfriend Called na 'pag pinanood mo ay wala naman siyang kausap at solo frame lang siya na walang dialogue for 6 minutes. Emote lang siya nang emote. Hahaha!

Pati ang mga netizens ay tawa nang tawa at sey nga ng isa, “When boredom hits you during ECQ.”

Kasama si Andre sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun na nakatigil ang production ngayon dahil nga sa ECQ.

Wala pang balita kung kailan magre-resume ng taping ang mga teleserye at kung kailan makakabalik sa trabaho ang ating mga artista.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page