Kahulugan ng naglalaba ng maruruming damit
- Socrates Magnus
- May 4, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Alicia na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Ano ang kahulugan ng panaginip na maglalaba ako ng maruruming damit at kasama ko ‘yung anak kong babae?
Naghihintay,
Alicia
Sa iyo Alicia,
Ayon sa iyong panaginip, masayang maliligtas ka sa COVID-19, kumbaga, para na ring sinabing makaka-graduate ka sa kursong BS Enhanced Community Quarantine.
Dahil ang naglalaba ng maruming damit ay nagsasabi rin na ang naglalaba ay nakapasa sa matitinding pagsubok, as in, nakaraos siya sa mahirap na sitwasyon ng kanyang buhay. Dahil dito, kapag may pagkakataon ka, magpasalamat ka kinikilala mong Diyos dahil ang totoo, sa buhay ng tao, inilalarawan ang sikat na awitin na “Footprints in the Sand”.
Ang mensahe ng awiting ito ay pinasan ni Lord ang mga tao sa panahon na hindi nila kaya ang mabibigat at mahihirap na sitwasyon. Kumbaga, binuhat ka ng mga kamay ni Lord kaya ikaw ay makaliligtas sa Covid-19. Sa pagbuhat Niya sa iyo, ikaw din ay niyakap ni Lord at ito ay yakap na mahigpit upang hindi ka mahulog.
Kaya bilang pasasalamat, muli, mag-alay ka ng prayers kay Lord.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments