top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di raw inaresto, inimbitahan lang sa presinto... Ex-Sen. Jinggoy, pinauwi na

  • V. Reyes​
  • May 4, 2020
  • 1 min read

Pinayagan nang makauwi sa kanyang bahay si dating Senador Jinggoy Estrada na una nang dinala ng mga pulis sa presinto dahil umano sa paglabag sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine.

Gayunman, paglilinaw ni Colonel Jaime Santos, hepe ng San Juan City Police, hindi inaresto kundi inimbitahan lamang sa presinto si Estrada para pagpaliwanagin.

Binigyan lamang aniya ng babala ang dating senador at hindi sasampahan ng anumang reklamo.

Samantala, sinabi ni Estrada na wala siyang nilabag sa pamamahagi ng relief goods sa ilang residente ng San Juan City.

Nakasuot naman umano siya ng personal protective equipment (PPE) at face mask kung namamahagi ng ayuda sa mga taga-lungsod.

Diin pa ni Estrada, sumusunod siya sa social distancing.

Sinabi pa ng dating mambabatas na hindi niya sinisisi ang pulisya na tumupad lamang sa kanilang mandato ngunit, naniniwala siya na may bahid ng pulitika ang pagdampot sa kanya. Giit naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora, hindi humingi ng permiso mula sa local government unit o sa

Department of the Interior and Local Government si Estrada nang mamahagi ng relief goods.

Iginiit pa ng alkalde na hindi nasunod ang social distancing sa pila ng mga taong kukuha ng ayuda ng dating senador.

Itinanggi pa ni Zamora na may bahid ng pamumulitika ang paghuli kay Estrada dahil inisyatibo aniya ng Philippine National Police ang paghuli rito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page