$8 billion ibibigay ng lider ng mga bansa, para sa vaccine kontra COVID-19
- Lolet Abania
- May 4, 2020
- 1 min read

Nagkasundo ang mga lider ng mga bansa mula sa France, Norway, Italy at Germany sa layuning makalikom ng $8 billion pondo na tinaguriang “international alliance” upang makabuo ng bakuna at gamot kontra sa coronavirus.
Sa isang press released na inilabas ng European Council, nagsama-sama ang mga bansa para sa isang ‘kasunduan’ na binuo ng G20 leaders upang suportahan ang panawagan ng World Health Organization at iba pang grupo na labanan ang covid-19.
“For this reason, we have recently launched the Access to COVID-19 Tools (ACT) Accelerator, a global cooperation platform to accelerate and scale-up research, development, access and equitable distribution of the vaccine and other life-saving therapeutics and diagnostics treatments,” pahayag ng mga lider.
“We are determined to work together, with all those who share our commitment to international cooperation,” ayon pa sa kanila.
Nilagdaan ang ‘kasunduan’ nina Giuseppe Conte, Prime Minister ng Italy; Emmanuel Macron, Presidente ng France; Angela Merkel, Chancellor ng Germany; at Erna Solberg, Prime Minister ng Norway. Kasama ring lumagda si Charles Michel, Pangulo ng European Council at si Ursula von der Leyen, Pangulo ng European Commission.
Layunin ng mga lider na makaipon ng initial na 7.5 billion euros ($8 billion) sa isang online pledging conference na gagawin sa May 4, “to make up the global funding shortfall estimated by the Global Preparedness Monitoring Board (GPMB) and others.”
Ayon pa sa kanila, mas maraming pondo na malilikom, mas malaki ang tsansang magkaroon agad ng vaccine at maibigay ang medisina sa buong mundo, gayundin, “to achieve universal access to vaccination, treatment and testing.”





Comments