top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa India, 18 migranteng obrero nasa loob ng cement mixer para takasan ang lockdown

  • Lolet Abania
  • May 3, 2020
  • 1 min read

INDORE, INDIA – Sanhi ng desperasyong makauwi na sa kanilang bayan, 18 migranteng obrero ang nakita sa loob ng isang concrete mixer, dahilan upang maiwasan din ang nationwide lockdown na ipinatutupad sa bansang ito, ayon sa pulisya.

Natagpuan ang mga manggagawa sa loob mismo ng makina ng gilingan ng semento matapos na ang trak nito ay ireker ng pulisya sa state ng Madhya Pradesh, kahapon.

“The laborers were found in the vent where the cement is mixed for construction purposes when a cement mixing truck was stopped for checking in central India’s Indore town by the police,” sabi ni

Umakant Choudhary, senior police official.

Naglakbay ang mga obrero mula Mumbai, bahagi ng western India, pabalik sa kanilang bayan sa northern state ng Uttar Pradesh, ayon kay Choudhary – may layong mahigit sa 1,300 kilometro o 800 miles.

Ayon sa awtoridad, in-impound nila ang trak at dinala ang mga manggagawa sa quarantine center sa Indore. Sinampahan ang mga migrante ng pormal na reklamo ng pulisya.

Samantala, ipinatupad ang nationwide lockdown sa India simula noong March 24 at in-extend pa ito ng dalawang linggo kaya hanggang May 17, subalit may ibang lugar at aktibidades na binigyan ng exemptions.

Gayundin, ipinagbabawal ang pagbiyahe sa anumang transportasyon gaya ng air, rail, metro at inter-state sa mga lansangan.

Sa mga nakaraang linggo, ang pamahalaan ng India ay nagbibigay ng libreng transportasyon sa mga stranded na migrant workers, estudyante at turista na kailangang makabalik sa kanilang bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page