Mga dahilan ng pananakit ng katawan kahit wala masyadong ginagawa
- Ronalyn Seminiano Reonico
- May 3, 2020
- 2 min read

Habang tumatagal ang lockdown at enhanced community quarantine, pansin n’yo ba na tila dumarami ang masasakit na nararamdaman natin sa ating katawan o stiffness? ‘Yung tipong kahit wala naman tayong masyadong ginagawa, eh, parang ang bigat pa rin ng ating pakiramdam?
Gayunman, bakit nga ba tayo nakakaramdam ng stiffness ngayong lockdown?
1. Labis na paggamit ng social media. Alam n’yo ba na mas nakamamatay ang pagiging lonely? Ayon sa artikulo ng health reporter na si Anna Medaris Miller, ang loneliness ay mas deadly pa sa paninigarilyo nang 15 beses sa isang araw.
Bilang tao, nature na natin ang pakikisalamuha sa ating kapwa, ngunit dahil sa lockdown, hindi tayo maaaring makipagkita nang personal sa ating mga katropa kaya ang siste, marami sa atin ang nagre-rely sa paggamit ng gadgets para sa social media. Ayon sa chiropractor na si Dean L. Fishman, ang madalas na paggamit ng gadgets ay maaaring mag-cause ng neck stiffness dahil sa madalas na pagyuko at tinawag din niya itong “text neck”.
2. Hindi maayos na sistema ng work from home. Karamihan sa mga kumpanya ay nagpatupad ng work from home system dahil sa ECQ, pero ‘tol, hindi porke working from home ka, eh, maghapon at magdamag ka nang tututok sa computer. Maglaan ka rin ng oras para mag-break at magpahinga kahit papaano dahil alam naman natin na ang labis na paggamit ng computer ay hindi maganda sa ating kalusugan.
Hindi man natin agad maramdaman ito, siguradong may magiging epekto ang pag-abuso natin sa ating mga kamay kaya kung tipong napapagod ka na kaka-type o kakapindot ng mouse ay stop muna at ‘wag mong balewalain ang kahit kaunting kirot ng mga kamay mo.
Ayon sa mga researchers ng Better Health, ang mga muscles at ugat ay maaaring sumakit sa paulit-ulit na trabaho sa matagal na oras kaya binansagan itong ‘overuse injury’ na madalas ay ang mga kamay hanggang wrists ang tinatamaan, lalo na ang mga computer users. Ito ay ang pagsakit, pamamaga at stiffness ng joints maging ang panghihina at pamamanhid ng kamay at mga daliri.
3. Hindi masyadong pagkilos. May kasabihan na ang lahat ng sobra ay masama kaya kung masama ang labis na pagkilos, hindi rin naman maganda kung hindi tayo maglalaan ng kahit kaunting oras para mag-ehersisyo o maglakad-lakad man lang.
Ayon sa health psychologist na si Dr. William Deardorff, ang physically inactivity ay maaaring mag-cause ng ‘disuse syndrome’ na maaaring magdulot ng bones, muscles and joints stiffness kaya mga lodi, kilus-kilos din ‘pag may time!
Kung lalagyan natin ng limitasyon ang ilang gawain, maaaring maiwasan ang stiffness ng ating katawan. Gets mo?




Comments