top of page

Katas ng makopa, gamot sa sugat at pangangati ng katawan

  • Govinda Jeremaya
  • May 3, 2020
  • 2 min read

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

Bugtong, bugtong, kampana ng bayan, masarap kainin at mayaman sa sustansiya. Ang sagot ay makopa!

Ang makopa ay kilala rin bilang rose apple.

Ang bunga ng makopa ay ang kadalasang kinakain, pero alam n’yo ba na ang bulaklak nito ay kinakain din at isinasama sa salad? Puwede ring direktang kainin ang bulaklak ng makopa.

Gayunman, narito ang iba pang kayang gawin ng makopa:

  • Ito ay nagsisilbing mouthwash dahil nililinis nito ang bibig at lalamunan. Ang makopa rin ay panlunas sa mabahong hininga.

  • Ang tubig mula sa pinakuluang ugat at balat ng sanga ng makopa ay gamot sa pagtatae at sa amoeba.

  • Ang dinurog na dahon ng makopa ay inilalagay sa dila na may biyak. Bukod sa mawawala ang problema sa dila, gaganda rin ang panlasa.

  • Ang katas ng makopa ay may kakayahang lunasan ang pangangati sa anumang bahagi ng katawan.

  • Mabilis ding gumagaling mga sugat kapag nilagyan ng katas ng makopa.

  • Ang katas ng bulaklak ay ginagamit bilang lotion dahil bukod sa nagpapakinis ng balat ay pumapatay din ito ng mikobyong nakadikit dito.

  • Puwedeng gawing tsaa ang dahon at usbong ng makopa, ganundin ang bulaklak nito. Ang makopa tea ay lunas sa mga taong nahihirapang magkaroon ng masarap na tulog. Kaya mabuting uminom ng makopa tea bago humiga sa gabi. Gayundin, kung nagising at hindi na muling makatulog, makopa tea ang gamot dito.

Narito naman ang nutrition facts ng makopa kada isang serving:

  • Water: 93 g

  • Protein: 0.6 g

  • Total fat: 0.3 g

  • Ash: 0.4 g

  • Carbohydrate: 5.7 g

  • Calcium: 29 mg

  • Iron: 0.07 mg

  • Magnesium: 5 mg

  • Phosphorus: 8 mg

  • Potassium: 123 mg

  • Zinc: 0.06mg

  • Copper: 0.02mg

  • Manganese: 0.03mg

  • Vitamin C: 22.3mg

  • Thiamin: 0.02mg

  • Riboflavin: 0.03mg

  • Niacin: 0.8mg

  • Vitamin A: 340 mg

Dagdag-kaalaman: Taglay din makopa ang sulfur, jambosine, betulinic acid at friedelolactone.

Ngayong summer ang panahon ng pamumunga ng rose apple o makopa, puwedeng-puwede kang makakain nito ngayon at ikaw na mismo ang magsasabing ang prutas na ito na parang mga kampana na bukod sa refreshing ay masustansiya pang kainin.

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page