Price ceiling sa delivery charge, pinag-aaralan na — DTI
- BRT
- May 2, 2020
- 1 min read

Pinag-aaralan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang posibilidad na lagyan ng cap ang delivery charges sa gitna ng pagtaas ng demand para sa delivery services sa kasagsagan ng quarantine.
Sa isang panayam, sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na pinag-aaralan na ng Consumer Protection Group sa pangunguna ni Usec. Ruth Castelo ang tungkol sa delivery fees at kung kayang lagyan ito ng price ceiling.
Gayunman, aminado ito na maituturing na “convenience” ang delivery service at pinahihintulutan ang pagpataw ng service charge para rito.





Comments